jump to navigation

AMBISYOSO (Otep, di ikaw ‘to. lol) Nobyembre 16, 2009

Posted by thelostme in Ambisyoso, kwEntOng tUkmoL, nag-aadik, ok, serious na..., pampalipas oras.
14 comments

Masarap ang pakiramdam ng may pangarap. Dito ka humuhugot ng lakas ng loob na harapin ang bawat bukas. Ito ang nagpapa-alala sa’yo na gawin ang isang bagay. At ito ang nagbibigay saysay sa ating buhay. Hindi ba’t iba ang sayang dulot ng kaalamang unti-unti mong nakakamit ang pangarap mo? Mas matindi pa ang heaven na dulot nito sa bato, damo o kahit sa pulbo. Pero may mga taong sadyang kontrabida susubok sa ating katatagan. Ewan ko kung sadyang kulang lang sila sa pansin nung kabataan o talagang pinanganak sila para lang pumuna ng mga tao. (Lord, bakit nga ba natuklasan ang mga epal? LOL) Masaya tayong mabubuhay kung wala sila. Sigurado. Buti sana kung masasalba nila ang mga biktima ni ONDOY sa mga pinaggagagawa nila, kung mapapatalsik nila ang pangulo dahil sa pagka-epal nila at lalo na kung mababayaran nila ang utang ng pinas kung ibubuka nila ang mga bibig nila. Eh wala, wala silang kwenta este wala naman silang naibibigay na maganda.

Ngunit mas masakit isipin na malapit sa buhay mo ang susubok sa’yo. “Yung tipong daig mo pa ang bida sa telenobela sa ginagawa nila. Lol, OA.

Exibit A

Kamag-anak: “Nagpunta sa bangko si —-(insert name ng kapatid ko).”

Asawa: “Anong ginawa dun?”

Kamag-anak: ‘Nagbayad ng tuition. Maliit lang naman tuition nun.”

Asawa: ‘Ah, oo. Si —–(insert name ko) ang malaki. AMBISYOSO kasi.”

Exibit B

Asawa ng kamag-anak: “Yang si —–(insert name ng nanay ko) pinag-aaral pa ang mga anak, hindi naman kaya.”

Ayun! Sabi ko sa inyo mga kontrabida talaga eh. lolz Ewan ko sa mga ‘yan kung bakit lagi ako o ang pamilya ko ang nakikita. Wala naman akong ginagawang kakaiba. Hindi naman ako tuma-tumbling sa harap nila. Hindi rin ako kumakain ng buhay na elepante at lalong hindi ako naliligo sa kumukulong mantika para tangahaling sole survivor etse para mapansin ng mga kulugong ‘yon. Oo, hindi ganun kayaman ang pamilya ko. Pero hindi pa naman kami nagdidildil ng asin dahil sa tuition fee ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit laging ako ang laman ng isip nila.lolz

Pero isa lang ang alam ko, ang mga pangarap ko ang nagbibigay sa akin ng kakaibang heaven. Kukunin ko ito nang walang nasasagasaan at wala na kong pakialam sa mga kulugo kong kamag-anak.lolz

Advertisements

THELOSTME: Ang Pagbabalik Pebrero 27, 2009

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, Lablayp na naman.., ok, serious na..., pA-EmO epEk!, teardrops.
Tags:
25 comments

           Often, we love someone that much that when they leave us, we find ourselves completely lost.

           Matagal akong nawala. Halos dalawang buwan na rin. Hindi ko kasi alam kung babalik pa ba ako dito o papabayaan ko na lang na malimutan ang blog na ito. Nabasag na naman kasi ako. “Nawala”. Ngunit tulad ng isang ama sa kanyang anak, hindi ko magagawa iyon. Kaya kahit may lamat pa ang aking puso, nagbalik ako.

           Lingid sa inyong kaalaman, hindi natuloy ang relasyon namin ni ampupu. Hindi ko na sasabihin kung bakit. Kaya hindi muna ako bumalik ay para kahit sa blog man lang ay masaya ang aura ko. In love. Ngunit mahirap lokohin ang sarili. Lalo na kung mahina ka.

            Sobra akong nasaktan. Pinili kong magmukmok sa kwarto at ilayo ang sarili ko sa ibang tao. Wala akong ginawa kundi isipin kung ano ba ang nagawa kong mali o ano ang kulang sa akin. Minsan naman ay natutulog na lang ako. Para hindi ko na maalala ang mga nangyari. Ngunit wala rin. Kahit gaano pa kahaba ang tulog ko, magigising din naman ako. Tuwing gabi naman ay hindi ako makatulog. Isa lang ang gagawin ko, sasalpakan ng headphone ang tenga ko at susubukang buuin ang kaibigan kong rubik’s. Ngunit hindi ko naman nabubuo. Dahil ilang saglit lang, hilam na sa luha ang mga mata ko.  Halos dalawang linggo ring ganun ang routine ko. Ngunit isang araw, umabot na sa sukdulan ang nararamdaman ko. Napagdiskitahan ko ang pader sa kwarto ko. Sinuntok. Ayon, nadislocate ang buto. Kaya’t gustuhin ko mang bumalik agad, hindi ko kaya.

          Kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pang pisikal na sakit ang maramdaman ko. Mas kaya ko pa ngang i-endure ang dislocated na buto kesa sa sugatang puso. Kahit mukha akong malakas sa panglabas na anyo, sa loob ay mahina ako. Ngunit napag-isip-isip ko, bakit ko nga ba sasayangin ang oras ko sa kalungkutan? Bakit ko uubusin ang luha ko sa taong wala na atang pakialam sa akin? At bakit ko babaliin ang mga buto ko kakasuntok sa pader kung wala naman itong halaga sa taong mahal ko? 

           Tapos na ko sa sitwasyon na ‘yan. Unti-unti na ring naghihilom ang mga sugat ko. Salamat na nga lang at may mga kaibigan ako. Sa loob at labas ng blogosphere.

           Salamat kay Geish, na nag-effort pang humanap ng qoute para lang patamaan ako na magmove on na. And for saying that I’m young, idealistic and charming. LOL. Nambola pa. Thanks, Geish. 😀

          Salamat din kay Unleashedphoenix, na nangungulit sa comment niya. LOL. Don’t worry, ibibigay ko rin ‘yon. Thank you dahil mabait kang bata. Good luck kay “K” 😀

           Salamat din kay Revsiopao, na naka tatlong comment na nagtatanong kung nasaan na ako. 😀

           Para sa’yo ampupu, mahal pa rin kita. Hangal man ako ngunit inaasahan ko pa ring magiging tayo. O kaya ay kahit kaibigan na lang.

           At para sa lahat, nandito na ang isa sa pinakagwapo sa mundo ng blogosphere! LOL

Mahal Na Kita… Anong Pakialam Nila?!.. Enero 1, 2009

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, Lablayp na naman.., nag-aadik, ok, serious na..., pampalipas oras, teardrops.
47 comments

Bagong taon, bagong buhay at bagong pag-ibig.

May bago na naman akong minamahal. May bago na naman akong kina-a-addict-an.  May bagong rason na naman ako para gumising nang nakangiti. May bago na namang aalalahanin at aalagaan. At baka may bagong dahilan na naman para umiyak ako tuwing gabi (huwag naman sana). Ikaw yon, ampupu ko.

Simula nang tawagan mo ko isang gabi, para ka nang libag na hindi mawala-wala sa sistema ko. Nain-love ata ako sa’yo dahil sa boses mo. At simula noon, hinintay ko na lagi ang mga tawag mo. Alam ko nakakahiya kasi ako ‘tong lalaki, ako pa ang tinatawagan pero anong magagawa ko? ganun talaga pag gwapo. lols. Minsan, tinatawagan  rin naman kita di ba? Nahihiya kasi ako sa’yo kaya minsan lang. Baka kasi busy ka. Pasensya ka na kung minsan, demanding ako ah? Gusto ko lang kasi na lagi kong alam na ok ka kaya gusto ko magtext ka.

Noong mga panahong tinawagan mo ko, crush na kita nun. Pero ang akala ko, hanggang crush lang ako. Pero nang nagtagal, unti-unti na pala kitang minamahal. At minsan nung nasabe mo sa akin na may gusto ka na rin  sa akin, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kinabahan ako na nag-alala na gustong tumalon sa tulay dahil sa sobrang tuwa. Buti na lang napigilan ko sarili ko. Ipapadama ko pa kasi sayo ang pagmamahal ko. Noong una, hindi kita maintindihan. May gusto ka sa akin pero ayaw mong maging tayo. Mali daw. Baka may boyfriend ka na. Haaaaay…

Hindi ko inaasahang mahuhulog pa ang loob ko maliban sa labidabs(gelpren) ko. Alam ko, mali ‘yon. Pero matuturuan ba natin ang puso? Matuturuan ba nating huwag na ‘tong tumibok? Matuturuan ba nating siya lang ang mahalin nito? Mahirap ang sitwasyong ganito. At alam ko, dapat kong ayusin ang problemang ‘to. Hindi pwedeng dalawa ang nasa buhay ko. Pero ‘wag kang mag-alala. Ikaw na ang pipiliin ko. Hindi na rin naman maganda ang takbo ng relasyon namin eh.

Haaaaay… mahal na kita talaga at gusto ko lagi kitang kasama.  Ang saaaaarrrrrrrraaapp maging in-love!!!! At ipagsisigawan ko pa sa buong mundo na MAHAL NA MAHAL KITA!!!!!!!!

Alone on Christmas… Disyembre 21, 2008

Posted by thelostme in ako ay tutula.., Holidays, kwEntOng tUkmoL, ok, serious na..., pA-EmO epEk!.
10 comments

the crying me...

Christmas is fast approaching.

I can feel it’s coldness,

My whole being, caressing slowly.

Literally and metaphorically.

The feeling of loneliness

Is starting to take over.

I tried to ignore it.

I tried to be numb for it.

For a year, I keep on trying.

I thought that I already have

Turned my heart into stone

And I could be alone.

But still, I want someone.

To  embrace me,

To be with me

And let the feeling of warmth envelop me.

The Christmas breeze has

Torn all of my defenses

And turned my smile

Into lonely cries.

And for a while I let myself suffer.

But I realize that I am not really alone.

Because this is the time

That Jesus Christ have been born.

And there is not a single person

That can love me and care for me

More than He does.

And so on Christmas, I am not alone.

Pluggings:

1: Comment on otep’s blog. If it reached 50 comments, he’ll be back… lol

2: Bored? Try these best online casinos.

3: Merry Christmas to all! 😀

Understanding Men Disyembre 8, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, nag-aadik, ok, serious na..., pampalipas oras.
22 comments

Girl1: Alam mo, curious ako sa mga lalaki.

Girl2: Bakit naman?

Girl1: Curious ako sa mga pinag-uusapan nila. Ano kaya ang mga pinag-uusapan nila?

Girl2: Ano ka ba? Eh di yung mga pinag-uusapan din natin!

Girl1: Talaga? Ambabastos pala nila!

Girl2: Nyeeeh!

WARNING: Ang mga susunod na talata ay rated PG seryoso…

Madalas kaming ma-misunderstood. Madalas, hindi maganda ang impression sa amin. Maraming babaeng ang tingin sa amin ay sakit lang sa damdamin ang dulot. At may iba namang ang tingin ay madalas magpaasa. Pero hindi lahat ng gwapo lalaki, ganun. Hindi niyo lang kami naiintindihan ng lubusan.

*Men just like sex.

Kung isa ka sa mga taong naniniwala na ang mga gwapo lalaki ay sex lang ang habol sa babae, nagkakamali ka. Naghahanap din naman kami ng pagmamahal. Sabi nga sa kanta, “how can you make love out of nothing at all” di ba?

*Men are heart breakers.

Kung naniniwala ka rin dito, mali ka pa rin. Hindi nananakit ng damdamin ang mga lalaki. Ang mga lalaki ay nilikha para magpasaya ng mga babae. lols.  Kung nasaktan ka man nila, hindi naman siguro sinasadya. At kung sinadya naman nila, hindi talaga sila lalaki. Wala silang balls dahil nananakit sila ng mga magagandang binibi.

*Men are heartless creatures.

Kung dito din ay naniniwala ka, mali ka na naman. Nagmamahal din kami. Marami lang sa amin na hindi nagsasabi na mahal ka niya pero pinapakita naman. Para kasing baduy kapag laging sinasabi. Ganun lang ang maraming mga lalaki. We are hard on the outside but soft in the inside. Gets? Iniintindi rin naman namin kayo.

*Men are mindless beings and idiots.

Naniniwala ka rin dito? Alam mo na. Nag-iisip din kami ‘no at hindi puro ego ang pinapairal. At marami sa amin ay may sense kausap at hindi tulad ng alam niyo na babae lang ang nasa isip. And most, if not all, of the great inventors are men.

*Men will always leave  you.

Dito rin? Naku zero ka na. Hindi naman namin gustong iwan kayo. It’s just that, in the process of finding someone that is meant for us, it’s impossible not to accidentally hurt someone. Syempre, mas magandang tapusin na kesa magcontinue yung relationship na walang love involved. Right?

Oh, naintindihan mo na ba ang mga gwapo lalaki? ‘Hope you do.

PaUTANG INA!!! Oktubre 1, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, ok, serious na..., pampalipas oras.
8 comments

Ina 1: ALam mo si ano, may ano pala yun!

Ina 2: Talaga? Si ano? Ano pala siya! Akala ko ano lang, ano niya na pala yung lagi niyang kasama.

Ina 1: Oo nga eh! Nagulat nga ako dun sa ano niya. Anong palagay mo?

Ina 2: Palagay ko, ano siya… 

 

      Yes, favorite past time ng karamihan sa mga ina eh ang paghalukay at mang-intriga ng buhay ng may buhay. Ngunit, subalit, datapwat, pero, alam niyo ba ang isa pang peborit topic nila maliban sa anak sa labas ng kapatid ng kapitbahay ng biyenan ng asawa nila? ‘Yun eh ‘yung mga sarili nilang anak…

       May nakasakay ako sa jeep na mga ganyang ina. Una eh mga buhay ng may buhay ang pinag-uusapan pero nang sabihin nung isa na ‘yung anak niya ay ganitong honor, akala mo eh sinapian na nila Tito, Vic and Joey kung magpayabangan. “Wala yang anak mo sa anak ko.” Gusto mo nang pruweba? Ito…

Ina 1: Ay, alam mo yung anak ko? Muntik nang mapasali sa ganito, nahuli lang siyang makapagpasa ng ganito-ganyan.

Ina 2: Ay! ‘Yung anak ko, muntik nang makasama sa Baguio para sa gantong contest.

Ina 3: Wala yang mga anak niyo sa anak ko. Muntik na siyang maging Top 1.

Ina 1&2: Pano?

Ina 3: Eh nung sinabi yung Top 1 nila, yung katabi niya yung tinuro eh. Di ba? Muntik na.

 

    Nyeeeeh!. Kung makapagyabangan eh no. Pero ganun ata talaga mga nanay eh no?.  Sa sobrang pagmamahal nila sa mga anak nila eh hindi nila mapigilang ipagyabang tayo. Ika nga eh “love your own”. Kaya kayo, love your mothers.

Convicted. . . Setyembre 27, 2008

Posted by thelostme in ok, serious na....
5 comments

Go to fullsize image 

North A, 3rd Sector Conference: Convicted

 

“Ano nga bang ibig sabihin ng convicted? Bakit convicted? Pumatay ba ko? Have I done something extremely bad?”….

 

I know she would be there. I know it’s impossible that we won’t see each other because we will be on the same place. I even bought a new shirt just because I know she would be there. But when I got there, my mind changed. I don’t want her to see me anymore. When she walked right in front of me I didn’t even bother to say “hi” to her. I can’t believe I was contented of just seeing her in the shadows, just on a camera-shot’s-view. I can’t believe I chickened out on a girl. But I know she’s not just a girl. She’s special. I even pretended that I was talking to someone when she saw me. She seems excited to see me. She even screamed my name but I just waved at her and gave her a big smile. Not a good reply to someone who’s you’re dying to see, eh? But that’s the only thing I could think to do….

 

Convicted

 

Convicted….yes, I think I am convicted. I’m guilty. I’m guilty that 50% of my reason of going there is just because of her.

 

I’m convicted because of my sins. I’m guilty that in spite of my sinful soul, He still loves me unconditionally.

I’m convicted…

 

 

 

OOOOOHH, ITIGIL MO! Setyembre 4, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, ok, serious na..., pampalipas oras.
5 comments

         “All work and no play make Thelostme a dull boy”. Been working too much lately? Baka kailangan mo na ng pahinga. Ika nga ng isang pelikula nung araw, “it’s good to be ship-wrecked once in a while”.

Masarap din palang magpahinga kahit minsan lang. ‘Yung mamundok. ‘Yung sumakay sa jeep at i-enjoy ang mga nadadaanan. Damhin ang malamig na hanging humahaplos sa pisngi mo. Hanging iba ang lamig dahil sa papalapit nang kapaskuhan. And even just for once, hindi mo intindihin ang mga susunod na mangyayari. Kung iba naman ang trip mo, mamili ka na lang dito:

 

v Makipag-DOTA sa mga dudes mo. Kung hindi kaya ng budget mo ang mag-out-of-town, makipag-killing-spree na lang sa mga kaibigan at maging godlike gamit sina, Centaur, Clockwerk, Void at Troll.

 

v Umakyat sa BUBONG. Kung gusto mong mapag-isa at magkaroon ng peace of mind, umakyat ka sa bubong ninyo. Seryoso ako ah. Ginagawa ko ‘yan. Minsan, nagdo-drawing ako habang nandoon.

 

v Magsketch ng NUDE MODEL. Kung ito ang napili mo, siguradong matatanggal ang pagod mo. Pero tingin lang,no touch dahil tingin lang ang binayaran mo. Nagsketch na ko ng hubad na babae pero pure imagination lang. Minsan, try ko nga ‘to.

 

Remember, kailangan din nating magpahinga.

“PROBINSYANOS”, OUT FOR A JOYRIDE Agosto 31, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, ok, serious na..., pampalipas oras.
1 comment so far

I woke up late today yet it did not keep me from going out with my cousins. I spent my whole day riding in a vehicle, kasama sila siyempre.

Pagkagising ko pa lang, hinatak na ko ng dalawa kong pinsan (1 lalaki at 1 babae, tawagin na lang natin silang Mr. A at Ms. B) para sumama sa kanila—good thing nakaligo na ko. Si Mr. A kasi, binibigyan si Ms. B ng driving lessons. So, pumunta kami sa isang subdivision para dun magturuan. We had a couple of turns when the engine suddenly stopped. Nope, hindi kami nasiraan, naubusan lang ng gasolina. Ito ang ilan sa mga panahong sasabihin mo sa sarili mo na hindi ka na lang sana sumama at pagsisisihan mong ikaw ang pinakabata sa grupo dahil hindi mo na kailangan pang maging si Madam Auring para malaman ang mga susunod na pangyayari. Yup, tama ako. Ako nga ang bibili ng gasolina. I hate it when that kind of thing happens. Wala kang magagawa. Two against one.

Naglakad ako sa ilalim ng mainit na araw pabalik sa lugar kung saan kami tumigil. Pagkasalin sa gasolina, we had another turn then we head back home dahil sinabi ko nang nagugutom na ko. I hadn’t had breakfast yet kaya nagsasapakan na mga bituka ko. The three of us ate together and shared our food. After eating, Mr. A and Ms. B decided to go to the mall. It was two in the afternoon then. Mr. A invited Ms. B’s brother (Mr. C) who eventually invited another cousin (Mr. D, mas matanda naman ako dito). Nabalitaan ng mga tita namin na aalis kami kaya pinilit pinakiusapan kaming ipapalit yung mga yung mga empty participating products nila for GOBINGO cards. So, off we went.

Ito ang ayos namin sa kotse:

Mr. A- driver, Mr. C- sa passenger seat, Ms. B, Mr. D at Ako- sa likod(left to right)

Sa daan:

Ako:  Saan tayo unang pupunta? Sa mall o sa palitan ng GOBINGO?

Ms. B: Sa GOBINGO muna. Saan ba yun?

Ako: Sa tapat ng Fairview market.

Mr. C: Lagpas ba ng NCBA yun?

Ako: Oo.

Mr. A: Anglayo pala nun. Baka maubusan tayo ng gasolina.

Ako: Uy! Dapat lumiko ka na pala dun! Lagpas na tayo!

Ms. B: Hindi! Dun pa!

Mr. A: Saan ba talaga?

Ako: Hindi! Hindi! Mali!

Ms. B: Ano ka ba? May likuan pa dito. Dyan, dyan! Iliko mo dyan! Sige, wag kang mahiya. Mukha tayong mga pakawala ah.

Mr. C: Mukha tayong mga promdi. Oh, Mr. D, bakit hindi ka nagsasalita dyan? Nagdadasal na ata ‘to eh. Ha-ha-ha. Prayer warrior?

Ako: Mr. C, sara mo naman yang bintana mo, umaabot dito yung ulan eh!

Mr. C: Magreklamo ka kung laway ko yan!(pero sinara naman)

Ako: Nga pala, magyu-u-turn ka kasi sa left side yung palitan. Parang hindi na abot yang gas. Yun na! Yun, yun, yun, yun!

Mr. A: Nakita ko naman eh!

Ako: sori lang…

 

After that, we went to the mall and had a good day together. I’m happy that my cousins are treating me like this already. Dati kasi, hindi nila ko sinasama. Mas matatanda kasi sila sakin. Hahah! Buti na lang malaki na ko.

Binibining Rubik’s… Marso 14, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, ok, serious na....
10 comments

 

    Mataman kitang pinagmamasdan ng hapong iyon. Napawi mo ang pagka-inip ko sa paghihintay ng fx. Naka-uniporme ka pa at may kausap sa cell phone mo. Bahagyang nahaharangan ng buhok mo ang iyong mukha. May braces ka pa (ata?). Hindi kita matiis na hindi tingnan sa dahilang pinapasakit mo ang ulo mo sa pagbuo ng isang bagay na sikat na sikat ngayon. . . . ang rubik’s cube.

    Kapag hindi mo mabuo ay magpapahinga ka ng ilang sandali at maya-maya’y babalikan ang “unfinished business” mo (wow! Si Pacquiao?). Halos isang oras tayo – I mean, ikaw- sa routine na iyon dahil nga wala pang fx na dumadating. Pinag-aaralan ko ang pattern na ginagamit mo. Iba kaysa alam ko. Hinayaan lang kita. 

   

    Sa wakas! May dumating nang fx ngunit colorum pa ata(lagot ka manong!). Subalit hindi tayo nakaalis kaagad dahil kulang pa ang mga pasahero. Hanggang sa loob ng fx ay binubuhol mo ang utak mo. Sa passenger seat ka naupo at ako nama’y sa likuran mo. Ilang sandali pa’y hindi na ako nakatiis, kinalabit kita at inabot ang tulong ko.

     “Miss, ahmmm… erhhh…ahmmm… ganito kasi ‘yan….”

   Umurong ako paharap, papunta sa iyo at yumuko upang ituro ang pattern na alam ko. Sa pagitan sana ng ulo mo ko ipu-pwesto ang mga braso ko (’yun bang parang nakayakap na ko sa ‘yo para mas romantic. Heheheh… 🙂 ) ngunit nagbago ang isip ko.

    “Down, left, up, left, down, left, left.”

    ‘Wag mo sanang isipin na napakahambog ko at nagyayabang. Nararamdaman kong magkikita pa tayo ulit. At kung sakaling naliwanagan ka at nakatulong ako, natutuwa ako. Kung muli pa tayong magkita, iyong pattern mo naman ang ituro mo 🙂 . Ngunit kung mas lalo kang naguluhan dahil sa mga pinagsasabi ko, kalimutan mo na lang ang pangyayaring iyon at magpatuloy sa buhay mo (naks! Pang-telenobela!). At kung mababasa mo ito, ibigay mo naman ang number mo. Wahahahah!

    Hanggang sa muli, Binibining Rubik’s… 😀