jump to navigation

AMBISYOSO (Otep, di ikaw ‘to. lol) Nobyembre 16, 2009

Posted by thelostme in Ambisyoso, kwEntOng tUkmoL, nag-aadik, ok, serious na..., pampalipas oras.
14 comments

Masarap ang pakiramdam ng may pangarap. Dito ka humuhugot ng lakas ng loob na harapin ang bawat bukas. Ito ang nagpapa-alala sa’yo na gawin ang isang bagay. At ito ang nagbibigay saysay sa ating buhay. Hindi ba’t iba ang sayang dulot ng kaalamang unti-unti mong nakakamit ang pangarap mo? Mas matindi pa ang heaven na dulot nito sa bato, damo o kahit sa pulbo. Pero may mga taong sadyang kontrabida susubok sa ating katatagan. Ewan ko kung sadyang kulang lang sila sa pansin nung kabataan o talagang pinanganak sila para lang pumuna ng mga tao. (Lord, bakit nga ba natuklasan ang mga epal? LOL) Masaya tayong mabubuhay kung wala sila. Sigurado. Buti sana kung masasalba nila ang mga biktima ni ONDOY sa mga pinaggagagawa nila, kung mapapatalsik nila ang pangulo dahil sa pagka-epal nila at lalo na kung mababayaran nila ang utang ng pinas kung ibubuka nila ang mga bibig nila. Eh wala, wala silang kwenta este wala naman silang naibibigay na maganda.

Ngunit mas masakit isipin na malapit sa buhay mo ang susubok sa’yo. “Yung tipong daig mo pa ang bida sa telenobela sa ginagawa nila. Lol, OA.

Exibit A

Kamag-anak: “Nagpunta sa bangko si —-(insert name ng kapatid ko).”

Asawa: “Anong ginawa dun?”

Kamag-anak: ‘Nagbayad ng tuition. Maliit lang naman tuition nun.”

Asawa: ‘Ah, oo. Si —–(insert name ko) ang malaki. AMBISYOSO kasi.”

Exibit B

Asawa ng kamag-anak: “Yang si —–(insert name ng nanay ko) pinag-aaral pa ang mga anak, hindi naman kaya.”

Ayun! Sabi ko sa inyo mga kontrabida talaga eh. lolz Ewan ko sa mga ‘yan kung bakit lagi ako o ang pamilya ko ang nakikita. Wala naman akong ginagawang kakaiba. Hindi naman ako tuma-tumbling sa harap nila. Hindi rin ako kumakain ng buhay na elepante at lalong hindi ako naliligo sa kumukulong mantika para tangahaling sole survivor etse para mapansin ng mga kulugong ‘yon. Oo, hindi ganun kayaman ang pamilya ko. Pero hindi pa naman kami nagdidildil ng asin dahil sa tuition fee ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit laging ako ang laman ng isip nila.lolz

Pero isa lang ang alam ko, ang mga pangarap ko ang nagbibigay sa akin ng kakaibang heaven. Kukunin ko ito nang walang nasasagasaan at wala na kong pakialam sa mga kulugo kong kamag-anak.lolz