jump to navigation

THELOSTME: Ang Pagbabalik Pebrero 27, 2009

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, Lablayp na naman.., ok, serious na..., pA-EmO epEk!, teardrops.
Tags:
25 comments

           Often, we love someone that much that when they leave us, we find ourselves completely lost.

           Matagal akong nawala. Halos dalawang buwan na rin. Hindi ko kasi alam kung babalik pa ba ako dito o papabayaan ko na lang na malimutan ang blog na ito. Nabasag na naman kasi ako. “Nawala”. Ngunit tulad ng isang ama sa kanyang anak, hindi ko magagawa iyon. Kaya kahit may lamat pa ang aking puso, nagbalik ako.

           Lingid sa inyong kaalaman, hindi natuloy ang relasyon namin ni ampupu. Hindi ko na sasabihin kung bakit. Kaya hindi muna ako bumalik ay para kahit sa blog man lang ay masaya ang aura ko. In love. Ngunit mahirap lokohin ang sarili. Lalo na kung mahina ka.

            Sobra akong nasaktan. Pinili kong magmukmok sa kwarto at ilayo ang sarili ko sa ibang tao. Wala akong ginawa kundi isipin kung ano ba ang nagawa kong mali o ano ang kulang sa akin. Minsan naman ay natutulog na lang ako. Para hindi ko na maalala ang mga nangyari. Ngunit wala rin. Kahit gaano pa kahaba ang tulog ko, magigising din naman ako. Tuwing gabi naman ay hindi ako makatulog. Isa lang ang gagawin ko, sasalpakan ng headphone ang tenga ko at susubukang buuin ang kaibigan kong rubik’s. Ngunit hindi ko naman nabubuo. Dahil ilang saglit lang, hilam na sa luha ang mga mata ko.  Halos dalawang linggo ring ganun ang routine ko. Ngunit isang araw, umabot na sa sukdulan ang nararamdaman ko. Napagdiskitahan ko ang pader sa kwarto ko. Sinuntok. Ayon, nadislocate ang buto. Kaya’t gustuhin ko mang bumalik agad, hindi ko kaya.

          Kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pang pisikal na sakit ang maramdaman ko. Mas kaya ko pa ngang i-endure ang dislocated na buto kesa sa sugatang puso. Kahit mukha akong malakas sa panglabas na anyo, sa loob ay mahina ako. Ngunit napag-isip-isip ko, bakit ko nga ba sasayangin ang oras ko sa kalungkutan? Bakit ko uubusin ang luha ko sa taong wala na atang pakialam sa akin? At bakit ko babaliin ang mga buto ko kakasuntok sa pader kung wala naman itong halaga sa taong mahal ko? 

           Tapos na ko sa sitwasyon na ‘yan. Unti-unti na ring naghihilom ang mga sugat ko. Salamat na nga lang at may mga kaibigan ako. Sa loob at labas ng blogosphere.

           Salamat kay Geish, na nag-effort pang humanap ng qoute para lang patamaan ako na magmove on na. And for saying that I’m young, idealistic and charming. LOL. Nambola pa. Thanks, Geish. 😀

          Salamat din kay Unleashedphoenix, na nangungulit sa comment niya. LOL. Don’t worry, ibibigay ko rin ‘yon. Thank you dahil mabait kang bata. Good luck kay “K” 😀

           Salamat din kay Revsiopao, na naka tatlong comment na nagtatanong kung nasaan na ako. 😀

           Para sa’yo ampupu, mahal pa rin kita. Hangal man ako ngunit inaasahan ko pa ring magiging tayo. O kaya ay kahit kaibigan na lang.

           At para sa lahat, nandito na ang isa sa pinakagwapo sa mundo ng blogosphere! LOL

Alone on Christmas… Disyembre 21, 2008

Posted by thelostme in ako ay tutula.., Holidays, kwEntOng tUkmoL, ok, serious na..., pA-EmO epEk!.
10 comments

the crying me...

Christmas is fast approaching.

I can feel it’s coldness,

My whole being, caressing slowly.

Literally and metaphorically.

The feeling of loneliness

Is starting to take over.

I tried to ignore it.

I tried to be numb for it.

For a year, I keep on trying.

I thought that I already have

Turned my heart into stone

And I could be alone.

But still, I want someone.

To  embrace me,

To be with me

And let the feeling of warmth envelop me.

The Christmas breeze has

Torn all of my defenses

And turned my smile

Into lonely cries.

And for a while I let myself suffer.

But I realize that I am not really alone.

Because this is the time

That Jesus Christ have been born.

And there is not a single person

That can love me and care for me

More than He does.

And so on Christmas, I am not alone.

Pluggings:

1: Comment on otep’s blog. If it reached 50 comments, he’ll be back… lol

2: Bored? Try these best online casinos.

3: Merry Christmas to all! 😀

you’re beautiful… Pebrero 27, 2008

Posted by thelostme in ok, serious na..., pA-EmO epEk!, teardrops.
15 comments

 

      “you’re beautiful…you’re beautiful…it’s true… i saw you’re face in a crowdy place and i don’t know what to do… coz i’ll never be with you…”

     Yes, you’re beautiful and I won’t get tired of saying that even if a thousand times.

     I have silently loved you for 2 yrs. and I can’t believe that I still do. I hate myself for doing so.

     I have neglected two girls for you. I hate myself! I hate myself! I hate me for loving you. Do you know why I hate love stories? Because every time I watch one, it just reminds me of you. But I don’t hate you.

     I guess we can’t teach our heart to love a certain someone. I hope that you won’t see this. Or if you do, please don’t get mad at me.  I hope you’re always happy. 🙂

niLiLipAd nG hAngiN. . . Disyembre 17, 2007

Posted by thelostme in pA-EmO epEk!.
1 comment so far

blown_away.jpg

Haaaaay. . . Ano bang nangyayayri sa ‘kin? Mistulang wala ako sa aking sarili nitong mga nakaraang araw. Mistulan akong isang piraso ng papel na nagpapadala na lamang sa ihip ng hangin. Walang dereksyon, hindi alam akung saan patutungo, walang kwenta.

Hindi lamang ako ang nakapansin sa aking kalagayan. Halos kalahati ng klase ng i01 ang nagsabing parang malungkot daw ako. Sa una, mariin ko itong itinanggi at nagdahilan pang kaya nila ito nasasabi ay dahil siguro sa aking bagong buhok (hindi naman talaga bago, itinayo ko lang ang buhok ko sa likod, “emo” kasi) ngunit pagkalipas ng ilang araw, maging ako ay nakumbinsi na rin. Malungkot nga ako. Hindi na ako tulad ng dati na pala ngiti, pala tawa at minsan, nag-uumpisa ng pang-aasar. Nitong mga araw, naging matamlay ako, laging nakayuko at bihirang magsalita.

Haaaaay. . . Ano kayang problema? Bakit ako ganito? Mas mahirap pa itong resolbahin kaysa isang “rubiks cube” na nilalaro ko dati o kaya ay isang “algebra problem”. Buti pa ang mga iyon, naso-solve ko kaagad. Sa pagsusulat ko sa blog na ito, napagtanto kong may mas mahirap pa palang mga problema kaysa sa mga “algebra problems”, “rubiks cube” o “balance sheet”. Mas importante na marunong ka sa buhay. Teka, parang ang baduy na. Tapusin na nga natin ‘to. Hahahah. . . Uy! Tumawa ako. . . Achievement. . .  Nga pala, ano kaya ‘yung problema ko? Haaaaay. . . ‘Wag kang mag-alala, kapag nalaman ko na, isusulat ko kaagad dito sa blog ko. Ciao!