jump to navigation

Nabundol si Lost… Disyembre 2, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, nag-aadik, pampalipas oras.
trackback
      Halos lahat ng kabataan ngayon, hindi buo ang araw kung hindi nakikita, nahahawakan o naririnig man lang ang cellphone. Ang iba, doon na umiikot ang mundo. Akala mo sila na nang cellphone niya. Kulang na lang, magmonthsary sila at regaluhan ng flowers o ayaing gamitin ang discount card niya. Lolz. Oo, may benefits din naman ang cellphone pero may harm din naman ‘tong nagagawa tulad ng maraming bagay na nakakatulong sa atin. At isa ako sa mga “priveleged few” para maperwisyo ng cellphone na yan. Lintek na toyo kasi yan! hahaha.
    Inutusan ako ng ina ko na bumili ng toyo sa tindahan (malamang, alangang sa punerarya). Bago ko marating ang tindahan eh kailangan ko munang tumawid. Habang papunta ako dun ay may tumawag sa akin sa cellphone. Syempre, dahil prendli ako eh sinagot ku. Nang dumating ako sa kalsadang tatawiran ku, traffic at nakahinto ang mga kotse kaya tuloy-tuloy na kong tumawid (habang may ka-telebabad pa rin)Aaron's legs by /\/\egan. nang biglang nag-“hello” sa akin ang isang motor. Akala ko ay siya ang tumawag sa akin at gustong makipag surprise aybol. Sasagutin ko sana siya ng “hi” at makikipag-“meet-and-greet” sana ko pero hindi ko na nagawa dahil sa gulat. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, Ate Charo. Lolz. Mabuti na lamang at nakita na niya ko kaagad at nakapagpreno siya kung hindi ay may one way ticket na ako papuntang heaven. Naku pow! Ayoko pang mamatay. Hindi ko pa natatapos ang pag-aaral ko. Wala pa kong pamilya. Boboto pa ko sa 2010 at higit sa lahat, hindi ku pa natatapos ang nilalaro kong Pokemon. Lolz.. Hahaha!!
    Kaya kayo, ingat sa paggamit ng cellphone. Baka masama ka sa mga priveleged few tulad ko. Hehehe… Nga pala, hindi ku paa yan. Oa lang. Hahaha…
Advertisements

Mga Puna»

1. otep - Disyembre 3, 2008

OMG!

kung ako yung tumawag sa’yo that time habang tumatawid ka, (sa phone mo) siguro hanggang ngayon nakatulala pa rin ako at sobrang guilty.

Haay.. buti yan lang ang nangyari.. siguro aral na rin yun sa bawat isa na.. nasa tamang lugar at oras ang paggamit ng phone.. tsk tsk..

get well soon na lang parekoy.. 😦

P.S buti na lang hindi ka pa na Lost lols. 😀

thelostme: thank u sa concern, pare.
Wag kang mag-alala, inde naman ikaw ung tumawag ee.
hahaha.. inde naman aku nasaktan eh. buti nga…

2. BOMBERO KING - Disyembre 3, 2008

kawawang bata..!
sa susunod..,
nag iingat sa pag tawid..!
at yang cellphone na iyan..,
dapat kasi diyan…
kino-confiscate..!
hmp..!
pa text nga..!
wala akong load..! 😆

thelostme: sya naman kasi ung nanggulat eh. hahaha…
salamat sa pagdaan.. 😀

3. BOMBERO KING - Disyembre 3, 2008

i linked you..! 😉

thelostme: basa ku, “i like u”. hahaha… ok

4. Lei - Disyembre 3, 2008

akala ko paa mo. haha. pero atleast may tumatawag sayo ah. nung nasa pinas pa kami, hanggang txt lang eh. mahal kasi ung tawag. haha.

thelostme: mura na rin kasi tawag dito.. la k pla sa pinas?

5. Cindyrella - Disyembre 4, 2008

oo nga naman, di dapat nakatingin sa cp habang tumatawid.. adik ka ba sa cp mo?

hehe nakikidaan ang ulet!! ^_^

thelostme: hindi naman… hahaha… mamats sa pagdaan! 😀

6. hisnameisdencios - Disyembre 4, 2008

tsk tsk tsk
nextime tripleng pagiingat ha.

thelostme: opo.. thank u… 😀

7. alasais - Disyembre 5, 2008

mag-ingat kasi ang motor e. biro lang. galingan mo nalang ang pagtawid habang nag-s-selpon.

-tenco

thelostme: uu nga, mag-ingat siya! lols… gagalingan ku na lang… hahaha.. salamat sa pagbisita.. 😀

8. geisha - Disyembre 8, 2008

kasi naman kung sino sino ang kulukadidang mo!
sa susunod na uutusan ka iwan mo yang fon mo sa bahay! baka mapano ka pa! tseh!

thelostme: hahaha!!! sori po… 😆

9. - Disyembre 9, 2008

bigay mo nalang saken ang cellphone mo para di kana madisgrasya. hahaha.
mag-ingat kasi sa susunod.
😀

thelostme: kasalanan kasi nung motor eh! lols… next tym, hindi na ko tatanggap ng tawag… hahaha!!!

10. angel - Disyembre 25, 2008

walastik kala ko ikaw na yang nakaratay sa hospital eh..

kasalanan yun nung tumawag at nung nakabundol sayo.. 😆


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: