jump to navigation

THELOSTME: Ang Pagbabalik Pebrero 27, 2009

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, Lablayp na naman.., ok, serious na..., pA-EmO epEk!, teardrops.
Tags:
trackback

           Often, we love someone that much that when they leave us, we find ourselves completely lost.

           Matagal akong nawala. Halos dalawang buwan na rin. Hindi ko kasi alam kung babalik pa ba ako dito o papabayaan ko na lang na malimutan ang blog na ito. Nabasag na naman kasi ako. “Nawala”. Ngunit tulad ng isang ama sa kanyang anak, hindi ko magagawa iyon. Kaya kahit may lamat pa ang aking puso, nagbalik ako.

           Lingid sa inyong kaalaman, hindi natuloy ang relasyon namin ni ampupu. Hindi ko na sasabihin kung bakit. Kaya hindi muna ako bumalik ay para kahit sa blog man lang ay masaya ang aura ko. In love. Ngunit mahirap lokohin ang sarili. Lalo na kung mahina ka.

            Sobra akong nasaktan. Pinili kong magmukmok sa kwarto at ilayo ang sarili ko sa ibang tao. Wala akong ginawa kundi isipin kung ano ba ang nagawa kong mali o ano ang kulang sa akin. Minsan naman ay natutulog na lang ako. Para hindi ko na maalala ang mga nangyari. Ngunit wala rin. Kahit gaano pa kahaba ang tulog ko, magigising din naman ako. Tuwing gabi naman ay hindi ako makatulog. Isa lang ang gagawin ko, sasalpakan ng headphone ang tenga ko at susubukang buuin ang kaibigan kong rubik’s. Ngunit hindi ko naman nabubuo. Dahil ilang saglit lang, hilam na sa luha ang mga mata ko.  Halos dalawang linggo ring ganun ang routine ko. Ngunit isang araw, umabot na sa sukdulan ang nararamdaman ko. Napagdiskitahan ko ang pader sa kwarto ko. Sinuntok. Ayon, nadislocate ang buto. Kaya’t gustuhin ko mang bumalik agad, hindi ko kaya.

          Kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pang pisikal na sakit ang maramdaman ko. Mas kaya ko pa ngang i-endure ang dislocated na buto kesa sa sugatang puso. Kahit mukha akong malakas sa panglabas na anyo, sa loob ay mahina ako. Ngunit napag-isip-isip ko, bakit ko nga ba sasayangin ang oras ko sa kalungkutan? Bakit ko uubusin ang luha ko sa taong wala na atang pakialam sa akin? At bakit ko babaliin ang mga buto ko kakasuntok sa pader kung wala naman itong halaga sa taong mahal ko? 

           Tapos na ko sa sitwasyon na ‘yan. Unti-unti na ring naghihilom ang mga sugat ko. Salamat na nga lang at may mga kaibigan ako. Sa loob at labas ng blogosphere.

           Salamat kay Geish, na nag-effort pang humanap ng qoute para lang patamaan ako na magmove on na. And for saying that I’m young, idealistic and charming. LOL. Nambola pa. Thanks, Geish. 😀

          Salamat din kay Unleashedphoenix, na nangungulit sa comment niya. LOL. Don’t worry, ibibigay ko rin ‘yon. Thank you dahil mabait kang bata. Good luck kay “K” 😀

           Salamat din kay Revsiopao, na naka tatlong comment na nagtatanong kung nasaan na ako. 😀

           Para sa’yo ampupu, mahal pa rin kita. Hangal man ako ngunit inaasahan ko pa ring magiging tayo. O kaya ay kahit kaibigan na lang.

           At para sa lahat, nandito na ang isa sa pinakagwapo sa mundo ng blogosphere! LOL

Advertisements

Mga Puna»

1. payatot - Pebrero 27, 2009

aba at salamat naman, nakita na rin ang nawawalang bata..ang tagal mong nawala ah!

tol, ang pag-ibig minsan ay mapait ang kahulugan at di mo minsan inaasahan na ganun ang lahat ng mangyayari di ba? kaya lang sabi nga e ganun talaga ang buhay, kelangan natin ituloy ito dahil di pa naman katapusan ng mundo kung nabigo ka ngayon..malay mo, baka sa isang araw e makakita ka ng mas higit pa kay ampupu..

tama yan, mag move on ka na para maipakita mo sa kanya na kahit nasaktan ka e kinaya mo yon…

thelostme: yep, moving on na po :D.. thanks pare

2. Geisha - Pebrero 27, 2009

naiyak ako sa post mo rain.

i never thought ganun kaseryos ang nangyari. kahit nagtatawanan lang tayo or naglolokohan, ramdam ko ang sakit mo sa puso kaya pinilit kong pasayahin ka pansamantala! am glad i’ve helped a little…

maraming nagmamahal sayu..

love you rain.. ingat as always!

thelostme: yeah.. thank u geish.. dami ko na utang sau.. hehe.. 😀

3. Bombero King - Pebrero 28, 2009

welcome back..! 😉

4. otep - Pebrero 28, 2009

Wooohooo!! nagbalik na s’ya…

Okay lang ‘yan.. ganun talaga..

gusto mo resbakan na’tin yun? Nyahahahahaha 🙂

sabi nila pag may bumalik may aalis..

ayun nagbalik ka na, kasabay naman ng paglisan ni DEncios..

😀

5. sandijmartin - Pebrero 28, 2009

taas ang aking mga kamay sa lahat ng iyong mga sinabi at maligayang pagbabalik 🙂

napadaan lang…

6. Cindyrella - Marso 1, 2009

buti naman at nag balik ka na.. ^^ welcum back!! ang hirap nga talaga ng ganyan pero sabi mo nga ready ka na di ba? that’s good. for sure mas matatag ka ng taong ngayon. and for sure ang xp na yan ang makakatulong talaga ng husto sayo!! ^^ gud luck!!

7. remjo - Marso 4, 2009

heyah.
paspam.hehe

nice blog!

8. aLps - Marso 5, 2009

Welcome back! 😀

9. dhyoy - Marso 7, 2009

welcome back!

Ok lng yan… madami pang darating.

(napadaan lang)

10. Ax - Marso 8, 2009

napadaan lang ako.

gusto ko sana magcomment talaga, kaso stale post na ito. hehe.

11. brotherutoy - Marso 10, 2009

welkambak, balakubak! hehe… he.. he… hem… ehem…
teka. seryoso pala ito.

di kita papayuhan sa moving on at problema ko rin yan madalas. but it’s good to know that youre making progress. and that youre back to blogging. pero mali ka. ayon sa sarili kong survey, ako ang pinakagwapo sa blogosphere. first runnerup ka lang.

12. Ax - Marso 21, 2009

pero naisip ko, pwede nga pala kita i-welcome back! hehe.

13. sistah ni thelostme - Marso 21, 2009

woi!..
adik!..
kya nman pla pra kang si dracula eh..
hehe..
kla nmin klangan ka ng dalhin sa rehab..
hay naku sya..
aucn mo nga..
kpag aq ung broken (“v”) lkas mo manermon..
hahah!..
kya mo yan bro..
hehe..
we’re still young..
mdami pa taung mkikitang iba..
ung mas deserving..
hahah!..
ang drama..
eEeeew..

14. wei vines - Abril 7, 2009

mas gwapo ako sayo….maniwala ka… 😆

15. wei vines - Abril 7, 2009

seriously,landi muna…at our age… its not yet the time ^^

16. thelostme - Abril 8, 2009

hahaha!!

alam ko naman un pareng wei..

haha.. walang pagtatalo dun..

mas wafu ka.. haha..

17. jose - Abril 8, 2009

sa wakas. you are back. hehe

at oo. gwapo si wei. haha

18. yhen - Abril 10, 2009

welkam back…

pero pansin ko lang andmi mong pinagdaan sa mga panahong dika namalagi sa bahay mo… hehehe…

nwei, enjoy summer!

19. Rowjie - Abril 19, 2009

HAPPY BIRTHDAY! 😉

20. simplegal - Abril 30, 2009

welcome back…tagal ko ng di nakabisita dito sa bahay mo..bagong template na pla..:D

21. siangelnawalangpakpak - Hunyo 8, 2009

nyek… hindi ko pa nga masyadong nabasa yung pag-iibigan niyo ni ampupu, ngayon, wala na pala… tsk, tsk, tsk…

it too shall pass. yun lang ang masasabi ko. being broken is a necessary part of learning to truly love, because if you were never broken in the first place, then you will never truly feel that you have been fixed.
may sense ba? parang malabo ano? hahaha… ang point ko lang is, hanggang di ka naging malungkot, hindi mo maaapreciate kung ano ang ibig sabihin ng pagiging maligaya.

everything happens for a reason. cheer up!

22. bernardumali - Hunyo 14, 2009

ay! the more na kailangan mong magblog at maramdaman na you are loved. welcome back! see, maraming bloggers ang nakamiss sa yo.

23. dencios - Hunyo 22, 2009

asan na ba ang batang ito?

24. FAYE LAGING NAKAMULAT!! - Setyembre 25, 2010

wow!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ur so aWszome! guzto mo bang mas makamoove! on kaagad
… magbasa ka ng kowtz ni BOB ONG.. HAHAHA lol ♥ .. •••• promise.. it will make you well.. HAHAHA 🙂
.. juzz try .. ^_- walang mwawala. muka mu lng….

25. FAYE LAGING NAKAMULAT!! - Setyembre 25, 2010

funny i know…… its a joke!!!
TAWA tyo limA
HA
HA
HA
HA
HA…
ISa pa
HA


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: