jump to navigation

Christmas Party Anecdotes (Part1: Gifts) Disyembre 12, 2008

Posted by thelostme in Holidays, kwEntOng tUkmoL, nag-aadik, pampalipas oras.
trackback

Pedro: Pare, ayaw ko nang pumunta sa krismas parti natin!

Juan: Bakit naman?

Pedro: Puro picture frame kasi nakukuha ko eh.

Juan: Ganun? Asar nga ‘yun ah. Teka, ano ba mga binibigay mo?

Pedro: Puro picture frame din.

Juan: Nyeeeeh!

May mga moment ka bang katulad nito? Minsan ka na rin bang naasar dahil sa natanggap mong regalo? O isa ka sa mga nagbibigay ng mga bagay tulad ng kay Pedro? Kung isa ka sa mga nabibigyan ng tulad nito, magdala ka na lang ng dos por dos sa krismas parti niyo. lols. At kung ikaw naman ang mahilig magbigay ng mga bagay na nasa baba, magtago ka na. Dahil isusumbong kita kay BONGGANG-BONGGANG BONGBONG! Kay BONGBONG na magsumbong… diretso pa ang aksyon. Lols…

Narito na ang TOP10 Most Dreaded Christmas Junks Gifts

10: Samu’t  Saring Biskwit o Pagkain

Sa panahon ngayon, hindi na masyadong nakakaasar na makatanggap nito. Kaya nga nasa pang-10 ang regalong ito. Pero noong bata-bata pa ko, medyo nakakaasar ‘to kasi hindi naman nagtatagal at madaling maubos. Pag-ubos na, hindi na maaalala ‘yung nagbigay. Ampupu… 😆

9: Tuwalya

Napunta sa top9 ang bagay na ito dahil sa kadahilanang kapag napunta sa ‘yo ‘to parang pinalalabas pa ng nagregalo sa ‘yo na mabaho ka at hindi naliligo. Nakaka-asar naman talaga. Paliguan sa kumukulong kulantro ang mga nagbibigay nito! Lols..

8: Mug

Isa ang bagay na ‘to sa pinaka-common na ibigay.Malamang na dahilan nito ay nag-rush ang taong nagbigay nito. Maaasar ka rin sa bagay na ‘to kung laging ito ang nabibigay sa ‘yo. ‘Yung tipong pwede ka nang magtayo ng museum of mugs. Pero wag mag-alala. Magtimpla ng kape at haluan ng gasolina at ipainom sa may salarin.

7: Figurine

Napunta sa top7 ‘to sa listahan ko dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganto. Isipin mo naman kasi, ano naman ang magagawa ko sa figurine na baboy o kaya ay babaeng naglalaba? Wala! Nakapirmi lang siya at parang nang-aasar pa. Basagin ang figurine at itarak sa nagbigay. lols

6: Scented Candles

Kung nasa panahon tayo ng kadiliman at hindi pa uso ang kuryente, magugustuhan ko ‘to. O kaya naman ay kung hindi scented ‘to, magugustuhan ku rin. Usually kasi sa mga ganto, maliliit lang. Kaya kapag sinindihan mo mabilis ma-upos.  Wala na. Sunugin ang mga nagbibigay!

5: Underware

Usually kasi sa mga ganto, mali ‘yung size na mabibili. Minsan, para kang may suot na aircon at minsan, hindi na makahinga si manoy o kaya ay si manay. Asar ‘di ba? At minsan, makati pa! Talaga naman oo.. Ibigti gamit ang mga binigay na underware.

4: Medyas

Katulad din ‘to nung underware. Ang kaibahan lang, ito naman kadalasan ang binibigay ay madaling mawala ung garter o kaya naman ay parang stockings na ‘yung suot mo dahil sa haba. Isaklob sa ulo ng nagbigay at hayaang masuffocate.

3:  Wall Clock

May lihim na mehsahe ang nagbigay nito. Lagi ka na lang daw late kaya ganito ang binibigay. Ang nakakainis dito ay nagbigay nga ng orasan, wala namang battery! Nagbigay na, papagastahin ka pa. Bilangin na ang oras ng salarin na ito! lols

2: Photo Album

Naing pangalawa sa listahan dahil sa angking kacheapan kalakihan. Usually, malalaki ang mga binibigay na ganito. At ubos na ang mga picture niyo, hindi pa rin ubos ang slot na pwedeng lagyan. Kung hindi ba naman maubos ang pera mo kaka-develop. At asahang ito pa rin ang mabibigay sa ‘yo next year. Ampupu talaga.

at ang top1 natin ay ang…(drum roll)……….. ang PICTURE FRAME!

1: Picture Frame

Kung hindi kayo nakatanggap ng ng mga nasa itaas, ipupusta ko 2 binti ko at mga kamay na minsan sa buhay mo, nakatanggap ka na nito. Marami kasing mabibilhan nito at mura pa. Pati sa butika ay may binebentang ganito. Nakakaasar ‘to dahil wala ka nang malagay na picture dahil nasa photo album na lahat. At ung iba pa, kailangan mo pang gupitin ang picture para lang magkasya. Ano ba naman! Ipukpok sa taong hindi na nag-aksaya ng panahon at pagod na bumili ng regalo mo ng 100 beses. Lols

‘Yan ang top10 na parating binibigay sa panahon ng kapaskohan. Aminin na nating naiinis tayo sa mga pauit-ulit na regalong ito pero tandaan na ang tunay na mahalaga ay ang pagmamahal na nakapaloob sa mga regalong ito. Sabi nga, “it’s the thought that counts”. Merry Christmas sa lahat! 😀

Advertisements

Mga Puna»

1. cindyrellaz - Disyembre 13, 2008

Matagal na din akong umaatend ng christmas party, naku sa totoo lang kahit pag nagbi- birthday ako, eto din ang natatanggap ko, pero sabi nga it’s the thought that counts.. at sa totoo lang di ako naasar or anything.. ^^

thelostme: oo nga, it’s the thought that counts. 😀

2. hisnameisdencios - Disyembre 13, 2008

dito sa amen nung christmas party puro sweatshirt ang gifts. winter na kasi dito. puede na sakin picframe basta wag naman sana yung plastik sana glass naman pang proteksyon sa picture para magmukang mamahalin 🙂

thelostme: mas gusto ko pa nga sweat shirt kasi magagamit mo.

3. brotherutoy - Disyembre 13, 2008

agree ako sayo sa candle at figurine. hehe…

ako, ang pinakaayaw kong regalo eh kalendaryo. kahit gaano pa sya kaganda. kalat lang pagkatapos ng taon. pangalawa eh planner. Nasa cellphone ko na lahat sinusulat sched ko, aanhin ko pa ang planner diba?

thelostme: ah, nawala sa listahan ko ung kalendaryo ah.sayang! 😀

4. J i y u h - Disyembre 13, 2008

it’s the thought that counts daw pero aanhin mo naman ang 5 tuwalya every xmas, minsan may ksma pa yang lotion. nakakaloka yung mga mug na may message sa labas, nakakahiya gamitin!

thelostme: hahaha!!! hindi na lang sabon ‘yung sinama eh no?. hahaha. ung mug na may nakalagay, merry krismas (insert name)?.. hahaha uu nga…

5. eloiski - Disyembre 17, 2008

nakakasawa na nga ang mga panyo, frame at photo album.
kay lang ako sa ballpen.
magagamit ko naman!
hekehk!

thelostme: hahaha… uu nga… salamat sa pagdaan 😀

6. revsiopao - Disyembre 17, 2008

ang figurine at tuwalya walang kamatayan ‘yan!
.
.
at nung elementary, naalala ko pa… kung gaano kami kaytagal pumili ni mader ng magandang gip ay napaka-suwerte ko namang makakatanggap ng BIMPO o SABON {yes as in lifebuoy or tender care… ‘di ba super-pinag-isipan?}
.
.
pero tama si jiyuh. its da tot dat kawnts naman. toinks!

thelostme: hahaha!! angsaya mu siguro nun… sinabe ku naman un sa dulo ah… hahaha…

7. .throe. - Disyembre 17, 2008

layuan mo ako picstur preym!!!!
Wah!

nung elementary pa ako e2 na lagi kong natatanggap… Minsan may kasamang twalya o mug, basta hindi to nawawala!

thelostme: sabe na nga ba eh… buti na lang hindi mababawasan paa ku… lols…

8. walongbote - Disyembre 20, 2008

biskwit? nareregalo ba yun? hahaha.. kung ako yun.. MABABADTRIP talaga ako.. sabagay kung wala na talaga.. e di ok na kesa sa wala dba?

hi! MERRY CHRISTMAS! a christmas greeting is awaiting for you in my blog. Pls. Take a look.
and also here’s my greeting card. click this ECARD
Hope you like it!!! More blogging year’s for us to come!! mwaaahh..

thelostme: hahaha… uu nga naman… wow! ngaun lang aku nakatanggap ng e-card… saya… thank u! and merry christmas din.. 😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: