jump to navigation

THELOSTME: Ang Pagbabalik Pebrero 27, 2009

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, Lablayp na naman.., ok, serious na..., pA-EmO epEk!, teardrops.
Tags:
25 comments

           Often, we love someone that much that when they leave us, we find ourselves completely lost.

           Matagal akong nawala. Halos dalawang buwan na rin. Hindi ko kasi alam kung babalik pa ba ako dito o papabayaan ko na lang na malimutan ang blog na ito. Nabasag na naman kasi ako. “Nawala”. Ngunit tulad ng isang ama sa kanyang anak, hindi ko magagawa iyon. Kaya kahit may lamat pa ang aking puso, nagbalik ako.

           Lingid sa inyong kaalaman, hindi natuloy ang relasyon namin ni ampupu. Hindi ko na sasabihin kung bakit. Kaya hindi muna ako bumalik ay para kahit sa blog man lang ay masaya ang aura ko. In love. Ngunit mahirap lokohin ang sarili. Lalo na kung mahina ka.

            Sobra akong nasaktan. Pinili kong magmukmok sa kwarto at ilayo ang sarili ko sa ibang tao. Wala akong ginawa kundi isipin kung ano ba ang nagawa kong mali o ano ang kulang sa akin. Minsan naman ay natutulog na lang ako. Para hindi ko na maalala ang mga nangyari. Ngunit wala rin. Kahit gaano pa kahaba ang tulog ko, magigising din naman ako. Tuwing gabi naman ay hindi ako makatulog. Isa lang ang gagawin ko, sasalpakan ng headphone ang tenga ko at susubukang buuin ang kaibigan kong rubik’s. Ngunit hindi ko naman nabubuo. Dahil ilang saglit lang, hilam na sa luha ang mga mata ko.  Halos dalawang linggo ring ganun ang routine ko. Ngunit isang araw, umabot na sa sukdulan ang nararamdaman ko. Napagdiskitahan ko ang pader sa kwarto ko. Sinuntok. Ayon, nadislocate ang buto. Kaya’t gustuhin ko mang bumalik agad, hindi ko kaya.

          Kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pang pisikal na sakit ang maramdaman ko. Mas kaya ko pa ngang i-endure ang dislocated na buto kesa sa sugatang puso. Kahit mukha akong malakas sa panglabas na anyo, sa loob ay mahina ako. Ngunit napag-isip-isip ko, bakit ko nga ba sasayangin ang oras ko sa kalungkutan? Bakit ko uubusin ang luha ko sa taong wala na atang pakialam sa akin? At bakit ko babaliin ang mga buto ko kakasuntok sa pader kung wala naman itong halaga sa taong mahal ko? 

           Tapos na ko sa sitwasyon na ‘yan. Unti-unti na ring naghihilom ang mga sugat ko. Salamat na nga lang at may mga kaibigan ako. Sa loob at labas ng blogosphere.

           Salamat kay Geish, na nag-effort pang humanap ng qoute para lang patamaan ako na magmove on na. And for saying that I’m young, idealistic and charming. LOL. Nambola pa. Thanks, Geish. 😀

          Salamat din kay Unleashedphoenix, na nangungulit sa comment niya. LOL. Don’t worry, ibibigay ko rin ‘yon. Thank you dahil mabait kang bata. Good luck kay “K” 😀

           Salamat din kay Revsiopao, na naka tatlong comment na nagtatanong kung nasaan na ako. 😀

           Para sa’yo ampupu, mahal pa rin kita. Hangal man ako ngunit inaasahan ko pa ring magiging tayo. O kaya ay kahit kaibigan na lang.

           At para sa lahat, nandito na ang isa sa pinakagwapo sa mundo ng blogosphere! LOL