jump to navigation

Archi-TORTURE Hulyo 27, 2009

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, Uncategorized.
trackback

Nagtataka ba kayo kung bakit bumalik ako at bigla na namang nawala? Bumalik ng e-bahay ko at nagbakasyon na naman? Maski ako eh nagtaka rin eh.. LOLs.. Marami kasing dahilan yan..

Hindi naman talaga ko nagbabakasyon eh. Sa katunayan, napakarami kong ginagawa. At dahil yan sa paglipat ko ng kurso, archiTORTURE este, architecture na ang kinukuha ko ngayon, hindi na wallet ng tatay ko. LOLs. Napakarami naming ginagawa. At hindi biro ang ginagawa namin. Hindi lang simpleng mga drawing ang inuutos. Bawat drawing ay may sukat. At hindi madaling matapos yon. Aabutin ka ng ilang oras. Mababali ang leeg mo dahil ilang oras na nakayuko. Napapakanta na nga kami ng “ang magdrawing ay di biro, maghapong nakayuko, di naman makatayo. hindi rin ma-upo”. Wahehe! Nakakaabnoy.

Hindi lang ang mga gawain ang nakakatorture. Pati ang mga kailangang tools. Hindi biro ang presyo. Butas ang bulsa mo kung 3 meters deep lang ‘to. Hahaha. Mas gugustuhin mo pang mahold-up kesa mawala ang pencil case mo. Sa tingin ko, hindi aabot sa presyo ng mga gamit ko ang 2 buwang laman ng wallet ko. GRABE!! heavy man! haha..

Kawawa pa ko. Nung pasukan, sira cellphone ko pati mp3 at wala pang internet! Ampupu. Nahihiya na rin akong gumastos sa luho ko. Dahil nga maraming bayarin. Haaaayy… Kaya tumatanggap na po ako ng donasyon ngaun. Kahit mga de lata, mga lumang damit o kahit cheque po. Ang mga magbibigay po ay maaaring magmessage sa YM account ko. LOLS

Pero seriously, kaya pa namang magtiis. Dahil ako rin ang may gawa nito. Ako ang may gusto nito. Kaya titiisin ko to hanggang makatapos ako. At pipilitin kong makatapos ng mataas ang mga grado.

Advertisements

Mga Puna»

1. thelostme - Hulyo 27, 2009

wala akong magawa..

hehehe.. 😀

2. fujimikan - Setyembre 10, 2009

parang gusto ko rin nga mag-shift kahit na 3rd yr na ko…

3. neil dalanon - Nobyembre 16, 2009

archi ka na? lam mo ba, ‘yan ang dati kong course bago ako naglipat-bakod sa creative writing. yeah, torture nga ang kursong ‘yan. pero exciting. lalo na pag magaling kang magdrowing. sarap magyabang ng plates na pinagpaguran mo sa buong magdamat, ayt? hehe kaya lang, hindi talaga yan ang para sa’ken..

thelostme - Nobyembre 16, 2009

sana nag-archi ka na rin. puro gwapo mga archi. lol pero magaling ka rin naman ata sa creative writing kaya ayos na din. 😀

4. blakenwayt - Nobyembre 17, 2009

alam ko ang hirap ng archi. sobrang puyat! parang engineering din ‘yan eh… nagdodrawing din kami kaso iba talaga sa inyo tadtad ng drawing. kami tinadtad ng math.
pero hayun! bawal sumuko! sayang sa gastos.
oo gastos na talaga iniisip eh.
alam ko yang pencil case na yan! sobrang mahal niyan! isang tekpen na nga lang na nawala o nasira parang delubyo na eh panu pa kung buong pencil case na may laman! pamatay!

5. wei vines - Disyembre 24, 2009

ngaun ko lang nabasa tong post mo..sorry na? 😀

6. mia labrador - Setyembre 8, 2010

kapag archi ka.. kahit kain ng kain payat.. tulog ng tulog puyat.. ndi q alam kng bakit.. hahah.. ndi na dn aq snay m2log ng maaga.. sanay aq m2log ng umaga.. aftershock na yata ng laging pgpupuyat…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: