jump to navigation

AMBISYOSO (Otep, di ikaw ‘to. lol) Nobyembre 16, 2009

Posted by thelostme in Ambisyoso, kwEntOng tUkmoL, nag-aadik, ok, serious na..., pampalipas oras.
trackback

Masarap ang pakiramdam ng may pangarap. Dito ka humuhugot ng lakas ng loob na harapin ang bawat bukas. Ito ang nagpapa-alala sa’yo na gawin ang isang bagay. At ito ang nagbibigay saysay sa ating buhay. Hindi ba’t iba ang sayang dulot ng kaalamang unti-unti mong nakakamit ang pangarap mo? Mas matindi pa ang heaven na dulot nito sa bato, damo o kahit sa pulbo. Pero may mga taong sadyang kontrabida susubok sa ating katatagan. Ewan ko kung sadyang kulang lang sila sa pansin nung kabataan o talagang pinanganak sila para lang pumuna ng mga tao. (Lord, bakit nga ba natuklasan ang mga epal? LOL) Masaya tayong mabubuhay kung wala sila. Sigurado. Buti sana kung masasalba nila ang mga biktima ni ONDOY sa mga pinaggagagawa nila, kung mapapatalsik nila ang pangulo dahil sa pagka-epal nila at lalo na kung mababayaran nila ang utang ng pinas kung ibubuka nila ang mga bibig nila. Eh wala, wala silang kwenta este wala naman silang naibibigay na maganda.

Ngunit mas masakit isipin na malapit sa buhay mo ang susubok sa’yo. “Yung tipong daig mo pa ang bida sa telenobela sa ginagawa nila. Lol, OA.

Exibit A

Kamag-anak: “Nagpunta sa bangko si —-(insert name ng kapatid ko).”

Asawa: “Anong ginawa dun?”

Kamag-anak: ‘Nagbayad ng tuition. Maliit lang naman tuition nun.”

Asawa: ‘Ah, oo. Si —–(insert name ko) ang malaki. AMBISYOSO kasi.”

Exibit B

Asawa ng kamag-anak: “Yang si —–(insert name ng nanay ko) pinag-aaral pa ang mga anak, hindi naman kaya.”

Ayun! Sabi ko sa inyo mga kontrabida talaga eh. lolz Ewan ko sa mga ‘yan kung bakit lagi ako o ang pamilya ko ang nakikita. Wala naman akong ginagawang kakaiba. Hindi naman ako tuma-tumbling sa harap nila. Hindi rin ako kumakain ng buhay na elepante at lalong hindi ako naliligo sa kumukulong mantika para tangahaling sole survivor etse para mapansin ng mga kulugong ‘yon. Oo, hindi ganun kayaman ang pamilya ko. Pero hindi pa naman kami nagdidildil ng asin dahil sa tuition fee ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit laging ako ang laman ng isip nila.lolz

Pero isa lang ang alam ko, ang mga pangarap ko ang nagbibigay sa akin ng kakaibang heaven. Kukunin ko ito nang walang nasasagasaan at wala na kong pakialam sa mga kulugo kong kamag-anak.lolz

Advertisements

Mga Puna»

1. flamindevil - Nobyembre 16, 2009

BASE!

2. flamindevil - Nobyembre 16, 2009

hay naku parekoy,may mga tao talagang walang magawa sa buhay kundi mamintas at pakialaman ang buhay ng ibang tao.kakainis no.

tama ka dyan.pagpatuloy mo lang.

i particularly liked this one ‘Kukunin ko ito nang walang nasasagasaan at wala na kong pakialam sa mga kulugo kong kamag-anak.’

wag mo na intindihin mga yan.labas mo na lang galit mo sa kanila dito sa blogosperyo.toinks.haha

btw,salamat sa pagdaan sa bahay ko parekoy.wag ka magsasawa.sa uulitin. ingat lagi. 😀

thelostme - Nobyembre 16, 2009

aba, may nagbase na dito sa bahay ko. haha. masaya.

thelostme - Nobyembre 16, 2009

tama. hindi ko na sila iintindihin. haha.
don’t worry, lagi ako punta sa bahay mo. hehe 😀

3. cindyrella - Nobyembre 16, 2009

oo wag mo na lang sila pansinin, inggit lang yun, hehe! at wag kang magsasawa na tuparin ang mga pangarap mo, hehe gud luck ^__^

4. Celine - Nobyembre 17, 2009

Hay nako. Bakit nga ba may mga kamag-anak na ganyan noh? Mga pakialamero masyado. Lahat nalang kailangang may comment o kaya naman ang daming tanong. Gusto malaman lahat. Pabayaan nalang natin sila kasi wala naman tayong mapapala pag pinatulan pa natin sila, diba? TSK. Pagpatuloy mo lang kung ano gusto mo sa buhay. 😀 Kaya mo naman eh! Ikaw pa?! It’s just a matter of taking a leap and leaving everything to God. Besides, anjan lang naman mga kaibigan mo [shempre kasama na ako dun] sa tabi mo eh. NAKS! :)) Oy, pero seryoso yun. Haha.

5. blakenwayt - Nobyembre 17, 2009

mag adik yan ah! pakialam ba nila! eh sa iyan nga ang nakuha mong kurso. At saka wow! Grabe naman tabas ng mga dila niyan! Inggit lang sila! BAka kasi sila di nila keri ang course mo.
GO GO GO lang! Fighting!

6. yhen - Nobyembre 17, 2009

hehehe ang kulit naman nung huli…

tulad ng sinabi ko ke otep dati….. walang pangarap ang hindi natutupad basta’t nagsusumikap… 😉

7. batangistik - Nobyembre 17, 2009

okay lang naman maging ambisyoso as long na wala kang naapakang tao.

8. Rocky Garcia - Nobyembre 21, 2009

Napakasarap talagang mangarap lalong lalo lahat nakakamtam mo at ang maganda pa nito ay ito ay libre!

9. davin - Nobyembre 22, 2009

huwaw! thats the attitude. wala clang pakelam, wala kang ginagawang masama, wag mo silang pansinin. di tlaga nawawala sa angkan ang mga chismoso’t chismosa.. hahahha… yaan mo lang cla. go for the gold! toink! 😀

10. Celine Bangsal - Marso 23, 2010

RAAAAAAAN. Bakit hindi ka na nagsusulat dito sa blog mo? Haha. Kulang ka ata sa inspirasyoooon. :)) LOL. Looking forward to the next time na magsusulat ka ulit. 😀

11. Maldito - Setyembre 4, 2010

sometimes, they are only saying that out of bitterness dahil wala silang naging chance na kagaya mo sa panahong nag aaral pa sila. just move on, continue on reaching ur dreams. In the end, hindi naman sila ang makikinabang sa pinag aralan mo.

we have the same problem…pero nakayanan ko yan…kaya im earning bucks and what i can say to them is suck my middle finger.ahahha

12. athena - Nobyembre 15, 2010

hello po…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: