jump to navigation

AMBISYOSO (Otep, di ikaw ‘to. lol) Nobyembre 16, 2009

Posted by thelostme in Ambisyoso, kwEntOng tUkmoL, nag-aadik, ok, serious na..., pampalipas oras.
14 comments

Masarap ang pakiramdam ng may pangarap. Dito ka humuhugot ng lakas ng loob na harapin ang bawat bukas. Ito ang nagpapa-alala sa’yo na gawin ang isang bagay. At ito ang nagbibigay saysay sa ating buhay. Hindi ba’t iba ang sayang dulot ng kaalamang unti-unti mong nakakamit ang pangarap mo? Mas matindi pa ang heaven na dulot nito sa bato, damo o kahit sa pulbo. Pero may mga taong sadyang kontrabida susubok sa ating katatagan. Ewan ko kung sadyang kulang lang sila sa pansin nung kabataan o talagang pinanganak sila para lang pumuna ng mga tao. (Lord, bakit nga ba natuklasan ang mga epal? LOL) Masaya tayong mabubuhay kung wala sila. Sigurado. Buti sana kung masasalba nila ang mga biktima ni ONDOY sa mga pinaggagagawa nila, kung mapapatalsik nila ang pangulo dahil sa pagka-epal nila at lalo na kung mababayaran nila ang utang ng pinas kung ibubuka nila ang mga bibig nila. Eh wala, wala silang kwenta este wala naman silang naibibigay na maganda.

Ngunit mas masakit isipin na malapit sa buhay mo ang susubok sa’yo. “Yung tipong daig mo pa ang bida sa telenobela sa ginagawa nila. Lol, OA.

Exibit A

Kamag-anak: “Nagpunta sa bangko si —-(insert name ng kapatid ko).”

Asawa: “Anong ginawa dun?”

Kamag-anak: ‘Nagbayad ng tuition. Maliit lang naman tuition nun.”

Asawa: ‘Ah, oo. Si —–(insert name ko) ang malaki. AMBISYOSO kasi.”

Exibit B

Asawa ng kamag-anak: “Yang si —–(insert name ng nanay ko) pinag-aaral pa ang mga anak, hindi naman kaya.”

Ayun! Sabi ko sa inyo mga kontrabida talaga eh. lolz Ewan ko sa mga ‘yan kung bakit lagi ako o ang pamilya ko ang nakikita. Wala naman akong ginagawang kakaiba. Hindi naman ako tuma-tumbling sa harap nila. Hindi rin ako kumakain ng buhay na elepante at lalong hindi ako naliligo sa kumukulong mantika para tangahaling sole survivor etse para mapansin ng mga kulugong ‘yon. Oo, hindi ganun kayaman ang pamilya ko. Pero hindi pa naman kami nagdidildil ng asin dahil sa tuition fee ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit laging ako ang laman ng isip nila.lolz

Pero isa lang ang alam ko, ang mga pangarap ko ang nagbibigay sa akin ng kakaibang heaven. Kukunin ko ito nang walang nasasagasaan at wala na kong pakialam sa mga kulugo kong kamag-anak.lolz

Advertisements

Mahal Na Kita… Anong Pakialam Nila?!.. Enero 1, 2009

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, Lablayp na naman.., nag-aadik, ok, serious na..., pampalipas oras, teardrops.
47 comments

Bagong taon, bagong buhay at bagong pag-ibig.

May bago na naman akong minamahal. May bago na naman akong kina-a-addict-an.  May bagong rason na naman ako para gumising nang nakangiti. May bago na namang aalalahanin at aalagaan. At baka may bagong dahilan na naman para umiyak ako tuwing gabi (huwag naman sana). Ikaw yon, ampupu ko.

Simula nang tawagan mo ko isang gabi, para ka nang libag na hindi mawala-wala sa sistema ko. Nain-love ata ako sa’yo dahil sa boses mo. At simula noon, hinintay ko na lagi ang mga tawag mo. Alam ko nakakahiya kasi ako ‘tong lalaki, ako pa ang tinatawagan pero anong magagawa ko? ganun talaga pag gwapo. lols. Minsan, tinatawagan  rin naman kita di ba? Nahihiya kasi ako sa’yo kaya minsan lang. Baka kasi busy ka. Pasensya ka na kung minsan, demanding ako ah? Gusto ko lang kasi na lagi kong alam na ok ka kaya gusto ko magtext ka.

Noong mga panahong tinawagan mo ko, crush na kita nun. Pero ang akala ko, hanggang crush lang ako. Pero nang nagtagal, unti-unti na pala kitang minamahal. At minsan nung nasabe mo sa akin na may gusto ka na rin  sa akin, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kinabahan ako na nag-alala na gustong tumalon sa tulay dahil sa sobrang tuwa. Buti na lang napigilan ko sarili ko. Ipapadama ko pa kasi sayo ang pagmamahal ko. Noong una, hindi kita maintindihan. May gusto ka sa akin pero ayaw mong maging tayo. Mali daw. Baka may boyfriend ka na. Haaaaay…

Hindi ko inaasahang mahuhulog pa ang loob ko maliban sa labidabs(gelpren) ko. Alam ko, mali ‘yon. Pero matuturuan ba natin ang puso? Matuturuan ba nating huwag na ‘tong tumibok? Matuturuan ba nating siya lang ang mahalin nito? Mahirap ang sitwasyong ganito. At alam ko, dapat kong ayusin ang problemang ‘to. Hindi pwedeng dalawa ang nasa buhay ko. Pero ‘wag kang mag-alala. Ikaw na ang pipiliin ko. Hindi na rin naman maganda ang takbo ng relasyon namin eh.

Haaaaay… mahal na kita talaga at gusto ko lagi kitang kasama.  Ang saaaaarrrrrrrraaapp maging in-love!!!! At ipagsisigawan ko pa sa buong mundo na MAHAL NA MAHAL KITA!!!!!!!!

Snail’s Phase Bank Disyembre 24, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, nag-aadik, pampalipas oras.
12 comments

I could have entitled this post as bank bullshit but I can’t. I just can’t seem to have the nerve to do so. Lol.  So I just  stick with my second choice, the “Snail’s Phase Bank”. I suppose the reason is obvious. You don’t need to have an IQ level of 137 to get it. Anyway, here is the story.

I have to run an errand for my mom involving depositing some cash to the “Snail’s Phase Bank”. So after having my lunch, I already went off. When I’m already there, the line is so long. It could have reached Mindanao. And there’s only one teller to serve the customers. But being the “good boy” that I am, I waited patiently until my turn came.

When it’s already my turn, the teller said that I’m at the wrong place at a wrong time lol. She said that I’m at the wrong brach of the bank and the branch that I’m supposed to be having my transaction is a jeepney-ride-away. WTF. I waited almost 2 hours standing and she’s telling me I’m at the wrong branch? Curse that bank! But what can I do? I can’t get the job done if I’ll rant to death. So I went off again.

When I reached the bank, again, the line is so long! This time it could have reached Palawan. Of course I’m exaggerating again. But seriously, it is so long. The line could cover up half of the parameter of the bank.  An again, there’s only one teller. To think they have about six cubicles. And so, I stood and waited again, for crying out loud. But when it’s already my turn, the teller said that their computers went off line. Aaaaarrrggh! But thankfully, they went on line after 15 mins. Maybe the teller is playing online casino and she’s just not finished so she pretended that they are off line. Lols.

I hate that bank! With their kind of services, I can’t see the reason why they had the “best remmitance bank of the year” award.  Curse them! I’m never coming back to that bullshit bank.

Plugging:

Comment on otep’s blog. If it reached 50 comments, he’ll be back… lol

Christmas Party Anecdotes (Part1: Gifts) Disyembre 12, 2008

Posted by thelostme in Holidays, kwEntOng tUkmoL, nag-aadik, pampalipas oras.
8 comments

Pedro: Pare, ayaw ko nang pumunta sa krismas parti natin!

Juan: Bakit naman?

Pedro: Puro picture frame kasi nakukuha ko eh.

Juan: Ganun? Asar nga ‘yun ah. Teka, ano ba mga binibigay mo?

Pedro: Puro picture frame din.

Juan: Nyeeeeh!

May mga moment ka bang katulad nito? Minsan ka na rin bang naasar dahil sa natanggap mong regalo? O isa ka sa mga nagbibigay ng mga bagay tulad ng kay Pedro? Kung isa ka sa mga nabibigyan ng tulad nito, magdala ka na lang ng dos por dos sa krismas parti niyo. lols. At kung ikaw naman ang mahilig magbigay ng mga bagay na nasa baba, magtago ka na. Dahil isusumbong kita kay BONGGANG-BONGGANG BONGBONG! Kay BONGBONG na magsumbong… diretso pa ang aksyon. Lols…

Narito na ang TOP10 Most Dreaded Christmas Junks Gifts

10: Samu’t  Saring Biskwit o Pagkain

Sa panahon ngayon, hindi na masyadong nakakaasar na makatanggap nito. Kaya nga nasa pang-10 ang regalong ito. Pero noong bata-bata pa ko, medyo nakakaasar ‘to kasi hindi naman nagtatagal at madaling maubos. Pag-ubos na, hindi na maaalala ‘yung nagbigay. Ampupu… 😆

9: Tuwalya

Napunta sa top9 ang bagay na ito dahil sa kadahilanang kapag napunta sa ‘yo ‘to parang pinalalabas pa ng nagregalo sa ‘yo na mabaho ka at hindi naliligo. Nakaka-asar naman talaga. Paliguan sa kumukulong kulantro ang mga nagbibigay nito! Lols..

8: Mug

Isa ang bagay na ‘to sa pinaka-common na ibigay.Malamang na dahilan nito ay nag-rush ang taong nagbigay nito. Maaasar ka rin sa bagay na ‘to kung laging ito ang nabibigay sa ‘yo. ‘Yung tipong pwede ka nang magtayo ng museum of mugs. Pero wag mag-alala. Magtimpla ng kape at haluan ng gasolina at ipainom sa may salarin.

7: Figurine

Napunta sa top7 ‘to sa listahan ko dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganto. Isipin mo naman kasi, ano naman ang magagawa ko sa figurine na baboy o kaya ay babaeng naglalaba? Wala! Nakapirmi lang siya at parang nang-aasar pa. Basagin ang figurine at itarak sa nagbigay. lols

6: Scented Candles

Kung nasa panahon tayo ng kadiliman at hindi pa uso ang kuryente, magugustuhan ko ‘to. O kaya naman ay kung hindi scented ‘to, magugustuhan ku rin. Usually kasi sa mga ganto, maliliit lang. Kaya kapag sinindihan mo mabilis ma-upos.  Wala na. Sunugin ang mga nagbibigay!

5: Underware

Usually kasi sa mga ganto, mali ‘yung size na mabibili. Minsan, para kang may suot na aircon at minsan, hindi na makahinga si manoy o kaya ay si manay. Asar ‘di ba? At minsan, makati pa! Talaga naman oo.. Ibigti gamit ang mga binigay na underware.

4: Medyas

Katulad din ‘to nung underware. Ang kaibahan lang, ito naman kadalasan ang binibigay ay madaling mawala ung garter o kaya naman ay parang stockings na ‘yung suot mo dahil sa haba. Isaklob sa ulo ng nagbigay at hayaang masuffocate.

3:  Wall Clock

May lihim na mehsahe ang nagbigay nito. Lagi ka na lang daw late kaya ganito ang binibigay. Ang nakakainis dito ay nagbigay nga ng orasan, wala namang battery! Nagbigay na, papagastahin ka pa. Bilangin na ang oras ng salarin na ito! lols

2: Photo Album

Naing pangalawa sa listahan dahil sa angking kacheapan kalakihan. Usually, malalaki ang mga binibigay na ganito. At ubos na ang mga picture niyo, hindi pa rin ubos ang slot na pwedeng lagyan. Kung hindi ba naman maubos ang pera mo kaka-develop. At asahang ito pa rin ang mabibigay sa ‘yo next year. Ampupu talaga.

at ang top1 natin ay ang…(drum roll)……….. ang PICTURE FRAME!

1: Picture Frame

Kung hindi kayo nakatanggap ng ng mga nasa itaas, ipupusta ko 2 binti ko at mga kamay na minsan sa buhay mo, nakatanggap ka na nito. Marami kasing mabibilhan nito at mura pa. Pati sa butika ay may binebentang ganito. Nakakaasar ‘to dahil wala ka nang malagay na picture dahil nasa photo album na lahat. At ung iba pa, kailangan mo pang gupitin ang picture para lang magkasya. Ano ba naman! Ipukpok sa taong hindi na nag-aksaya ng panahon at pagod na bumili ng regalo mo ng 100 beses. Lols

‘Yan ang top10 na parating binibigay sa panahon ng kapaskohan. Aminin na nating naiinis tayo sa mga pauit-ulit na regalong ito pero tandaan na ang tunay na mahalaga ay ang pagmamahal na nakapaloob sa mga regalong ito. Sabi nga, “it’s the thought that counts”. Merry Christmas sa lahat! 😀

Understanding Men Disyembre 8, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, nag-aadik, ok, serious na..., pampalipas oras.
22 comments

Girl1: Alam mo, curious ako sa mga lalaki.

Girl2: Bakit naman?

Girl1: Curious ako sa mga pinag-uusapan nila. Ano kaya ang mga pinag-uusapan nila?

Girl2: Ano ka ba? Eh di yung mga pinag-uusapan din natin!

Girl1: Talaga? Ambabastos pala nila!

Girl2: Nyeeeh!

WARNING: Ang mga susunod na talata ay rated PG seryoso…

Madalas kaming ma-misunderstood. Madalas, hindi maganda ang impression sa amin. Maraming babaeng ang tingin sa amin ay sakit lang sa damdamin ang dulot. At may iba namang ang tingin ay madalas magpaasa. Pero hindi lahat ng gwapo lalaki, ganun. Hindi niyo lang kami naiintindihan ng lubusan.

*Men just like sex.

Kung isa ka sa mga taong naniniwala na ang mga gwapo lalaki ay sex lang ang habol sa babae, nagkakamali ka. Naghahanap din naman kami ng pagmamahal. Sabi nga sa kanta, “how can you make love out of nothing at all” di ba?

*Men are heart breakers.

Kung naniniwala ka rin dito, mali ka pa rin. Hindi nananakit ng damdamin ang mga lalaki. Ang mga lalaki ay nilikha para magpasaya ng mga babae. lols.  Kung nasaktan ka man nila, hindi naman siguro sinasadya. At kung sinadya naman nila, hindi talaga sila lalaki. Wala silang balls dahil nananakit sila ng mga magagandang binibi.

*Men are heartless creatures.

Kung dito din ay naniniwala ka, mali ka na naman. Nagmamahal din kami. Marami lang sa amin na hindi nagsasabi na mahal ka niya pero pinapakita naman. Para kasing baduy kapag laging sinasabi. Ganun lang ang maraming mga lalaki. We are hard on the outside but soft in the inside. Gets? Iniintindi rin naman namin kayo.

*Men are mindless beings and idiots.

Naniniwala ka rin dito? Alam mo na. Nag-iisip din kami ‘no at hindi puro ego ang pinapairal. At marami sa amin ay may sense kausap at hindi tulad ng alam niyo na babae lang ang nasa isip. And most, if not all, of the great inventors are men.

*Men will always leave  you.

Dito rin? Naku zero ka na. Hindi naman namin gustong iwan kayo. It’s just that, in the process of finding someone that is meant for us, it’s impossible not to accidentally hurt someone. Syempre, mas magandang tapusin na kesa magcontinue yung relationship na walang love involved. Right?

Oh, naintindihan mo na ba ang mga gwapo lalaki? ‘Hope you do.

Nabundol si Lost… Disyembre 2, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, nag-aadik, pampalipas oras.
10 comments
      Halos lahat ng kabataan ngayon, hindi buo ang araw kung hindi nakikita, nahahawakan o naririnig man lang ang cellphone. Ang iba, doon na umiikot ang mundo. Akala mo sila na nang cellphone niya. Kulang na lang, magmonthsary sila at regaluhan ng flowers o ayaing gamitin ang discount card niya. Lolz. Oo, may benefits din naman ang cellphone pero may harm din naman ‘tong nagagawa tulad ng maraming bagay na nakakatulong sa atin. At isa ako sa mga “priveleged few” para maperwisyo ng cellphone na yan. Lintek na toyo kasi yan! hahaha.
    Inutusan ako ng ina ko na bumili ng toyo sa tindahan (malamang, alangang sa punerarya). Bago ko marating ang tindahan eh kailangan ko munang tumawid. Habang papunta ako dun ay may tumawag sa akin sa cellphone. Syempre, dahil prendli ako eh sinagot ku. Nang dumating ako sa kalsadang tatawiran ku, traffic at nakahinto ang mga kotse kaya tuloy-tuloy na kong tumawid (habang may ka-telebabad pa rin)Aaron's legs by /\/\egan. nang biglang nag-“hello” sa akin ang isang motor. Akala ko ay siya ang tumawag sa akin at gustong makipag surprise aybol. Sasagutin ko sana siya ng “hi” at makikipag-“meet-and-greet” sana ko pero hindi ko na nagawa dahil sa gulat. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, Ate Charo. Lolz. Mabuti na lamang at nakita na niya ko kaagad at nakapagpreno siya kung hindi ay may one way ticket na ako papuntang heaven. Naku pow! Ayoko pang mamatay. Hindi ko pa natatapos ang pag-aaral ko. Wala pa kong pamilya. Boboto pa ko sa 2010 at higit sa lahat, hindi ku pa natatapos ang nilalaro kong Pokemon. Lolz.. Hahaha!!
    Kaya kayo, ingat sa paggamit ng cellphone. Baka masama ka sa mga priveleged few tulad ko. Hehehe… Nga pala, hindi ku paa yan. Oa lang. Hahaha…

The Green CD and The Vanishing Manong…. Nobyembre 27, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, pampalipas oras.
6 comments

Aaminin ko, tao lang ako, may pangangailangang pampsikal. May hinahap-hanap at inaasam. Pero sa mga panahong ito, hindi ko na pinapapansin ang tawag ng laman dahil sa kakaasikaso sa mga negosyo ko sa loob at labas ng bansa (*asa 😆 ). Naiinis na nga siya sa akin dahil lagi na lang daw siyang call waiting. Pero hindi ko inaasahang gagamit pa siya ng ibang tao para mapansin ko siya.

Gabi na akong nakauwi dahil sa kakaasikaso sa kung anu-anong mga bagay. Pagbaba ko sa una kong byahe ay kailangan ko pang sukakay muli ngunit lalakarin ko pa daan papuntang terminal ng jeep na sasakyan ko. Kakaunti na lang ang mga taong naglalakad sa tabi ng kalsada. Madilim ang paligid at sarado na ang mga karaniwang establisyimento. Pagod kong tinahak ang daan kung saan ay nagbukas na ang mga “patay sinding” lugar at nagpapatayo sa mga parteng inde karaniwang nakatayo. Nagkalat na rin ang mga babae at balakeng nagbibigay ng panandaliang tigas. Pinigilan kong tumingin sa kanila dahil baka tumayo rin….. ang aking balahibo. Ilang gusali na lang at malapit na ako sa terminal. Masaya kong tinahak ang daan na para bang si little red riding hood na lumulundag-lundag pa. Lolz. Ngunit nang isang gusali na lang ay may biglang lumitaw galing sa dilim. Akala ko ay ang kung ano na. Handa na kong sumigaw ng pinakamalakas na sunog at the top op may langs pero mama lang pala. Inalok niya ko ng CD na naglalaman ng pulang laman. Bibili daw ba ako at php40 lang. Napag-isip-isip ko, “40?! eh sa internet libre lang. RedTube lang ang katapat niyan.” Kaya’t hindi ko na lang siya pinansin. Nagtutuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad at inisnab si Manong na nagtatago sa dilim.

Wala kasi ako sa mood. Inaantok na ko ‘no!. Lolz.

PaUTANG INA (part 2) Oktubre 26, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, pampalipas oras.
6 comments

     “Contestant number 1 enjoys cooking. Her favorite color is pink. Her vital statistic is…”

 

     Dahil tapos na kong pagbintangan ang mga nanay na mga reyna ng tsismis eh hindi ibig sabihin nun na hindi na ule sila magiging bida sa blog na ‘to. Nag-stay ako sa bahay ng lola ko for about 4 days. At sa 4 days na un eh akala ko eh wala nang interesting na bagay na mangyayari sa buhay ko sa isang lugar na wala akong kilala. Pero nagkamali ako or i’m wrong about being wrong, kayo na lang magdecide kung interesting ‘to. Ito ang dahilan, may nakapagsabi kasi sa akin na may magaganap daw na beauty peygent (yes, peygent. yan ang sabi ng host eh. hahaha!!!) kinagabihan dahil fiesta daw. Thinking that I’m going to see beatiful faces because the program’s name says so, pumunta ako. At 8 in the evening eh nandun na ku. Waiting for the chickas… But when the program started, I’m in for the biggest surprise of my life. Beauty Peygent pala ‘un ng mga ina!!!! Shiyeeeet.. Napashiyeeet talaga ku. Gago ‘yung nagkalat ng balita na ‘yun ah… Pero dahil nandun na ko eh tinuloy ko na rin… para sa inyo. Ika nga, make the best out of everything kaya kung ayaw mong masuka dahil sa mga naggagalawang bilbil na may stretch marks pa, hop to the next blog of your desire. Ito na!!!!!!!!

*SPORTSWEAR

contestant #1: volleyball player with matching labas na brasong nagsa-sag.

contestant #2: archer na ang costume eh pocahontas. (nay, hindi po archer si pocahontas!)

contestant #3: table tennis player pero nag-i-smash.

contestant #4: (ito effortless) sumo wrestler. Whoooh!!!

contestant #5: basketball player pero uniform eh pangvolleyball. (confused si nanay)

*TALENT PORTION

contestant #1: Pole dancing pero imbis na pole, chair. Nakakasuka! Imagine, 54 yrs. old na daw un…

contestant #2: Hula dancing. Labas ang kamot niya sa tyan… (ilan na kaya anak ni lola nanay.)

contestant #3: Interpretative dance. (*yawn)

contestant #4: Dancing. (ito ung sumo wrestler ah. imaginin mu na lang)

contestant #5: kumanta. sinuot ku ung headphone ku..

*VITAL STATISTICS

contestant #1: 36-34-37

contestant #2: 32-30-33

contestant #3: 38-37-38

contestant #4: 42-42-43

contestant #5: 37-36-38

 

      Buti na lang walang swimsuit kundi coma ako ngayon.. Pero come to think of it, ‘yun lang siguro ‘yung time nila para sa sarili nila. Sabi nga nung isa, nadagdagan daw ung self esteem niya dahil sa pagsali niya sa contest na yun.

     Pero wag niyo itanong sa ‘kin kung sino nanalo ah. HIndi ku na tinapos. Hindi ko na kinaya. Hahahaha!!

PaUTANG INA!!! Oktubre 1, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, ok, serious na..., pampalipas oras.
8 comments

Ina 1: ALam mo si ano, may ano pala yun!

Ina 2: Talaga? Si ano? Ano pala siya! Akala ko ano lang, ano niya na pala yung lagi niyang kasama.

Ina 1: Oo nga eh! Nagulat nga ako dun sa ano niya. Anong palagay mo?

Ina 2: Palagay ko, ano siya… 

 

      Yes, favorite past time ng karamihan sa mga ina eh ang paghalukay at mang-intriga ng buhay ng may buhay. Ngunit, subalit, datapwat, pero, alam niyo ba ang isa pang peborit topic nila maliban sa anak sa labas ng kapatid ng kapitbahay ng biyenan ng asawa nila? ‘Yun eh ‘yung mga sarili nilang anak…

       May nakasakay ako sa jeep na mga ganyang ina. Una eh mga buhay ng may buhay ang pinag-uusapan pero nang sabihin nung isa na ‘yung anak niya ay ganitong honor, akala mo eh sinapian na nila Tito, Vic and Joey kung magpayabangan. “Wala yang anak mo sa anak ko.” Gusto mo nang pruweba? Ito…

Ina 1: Ay, alam mo yung anak ko? Muntik nang mapasali sa ganito, nahuli lang siyang makapagpasa ng ganito-ganyan.

Ina 2: Ay! ‘Yung anak ko, muntik nang makasama sa Baguio para sa gantong contest.

Ina 3: Wala yang mga anak niyo sa anak ko. Muntik na siyang maging Top 1.

Ina 1&2: Pano?

Ina 3: Eh nung sinabi yung Top 1 nila, yung katabi niya yung tinuro eh. Di ba? Muntik na.

 

    Nyeeeeh!. Kung makapagyabangan eh no. Pero ganun ata talaga mga nanay eh no?.  Sa sobrang pagmamahal nila sa mga anak nila eh hindi nila mapigilang ipagyabang tayo. Ika nga eh “love your own”. Kaya kayo, love your mothers.

COmmercial COmedy…. Setyembre 23, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, pampalipas oras.
1 comment so far

 

adik tong commercial na tu…

it always gets me… hahaha…

la kasi akung mapost eh…

kaw, anu gusto mong commercial?… lols…