jump to navigation

The Green CD and The Vanishing Manong…. Nobyembre 27, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, pampalipas oras.
6 comments

Aaminin ko, tao lang ako, may pangangailangang pampsikal. May hinahap-hanap at inaasam. Pero sa mga panahong ito, hindi ko na pinapapansin ang tawag ng laman dahil sa kakaasikaso sa mga negosyo ko sa loob at labas ng bansa (*asa 😆 ). Naiinis na nga siya sa akin dahil lagi na lang daw siyang call waiting. Pero hindi ko inaasahang gagamit pa siya ng ibang tao para mapansin ko siya.

Gabi na akong nakauwi dahil sa kakaasikaso sa kung anu-anong mga bagay. Pagbaba ko sa una kong byahe ay kailangan ko pang sukakay muli ngunit lalakarin ko pa daan papuntang terminal ng jeep na sasakyan ko. Kakaunti na lang ang mga taong naglalakad sa tabi ng kalsada. Madilim ang paligid at sarado na ang mga karaniwang establisyimento. Pagod kong tinahak ang daan kung saan ay nagbukas na ang mga “patay sinding” lugar at nagpapatayo sa mga parteng inde karaniwang nakatayo. Nagkalat na rin ang mga babae at balakeng nagbibigay ng panandaliang tigas. Pinigilan kong tumingin sa kanila dahil baka tumayo rin….. ang aking balahibo. Ilang gusali na lang at malapit na ako sa terminal. Masaya kong tinahak ang daan na para bang si little red riding hood na lumulundag-lundag pa. Lolz. Ngunit nang isang gusali na lang ay may biglang lumitaw galing sa dilim. Akala ko ay ang kung ano na. Handa na kong sumigaw ng pinakamalakas na sunog at the top op may langs pero mama lang pala. Inalok niya ko ng CD na naglalaman ng pulang laman. Bibili daw ba ako at php40 lang. Napag-isip-isip ko, “40?! eh sa internet libre lang. RedTube lang ang katapat niyan.” Kaya’t hindi ko na lang siya pinansin. Nagtutuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad at inisnab si Manong na nagtatago sa dilim.

Wala kasi ako sa mood. Inaantok na ko ‘no!. Lolz.

PaUTANG INA (part 2) Oktubre 26, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, pampalipas oras.
6 comments

     “Contestant number 1 enjoys cooking. Her favorite color is pink. Her vital statistic is…”

 

     Dahil tapos na kong pagbintangan ang mga nanay na mga reyna ng tsismis eh hindi ibig sabihin nun na hindi na ule sila magiging bida sa blog na ‘to. Nag-stay ako sa bahay ng lola ko for about 4 days. At sa 4 days na un eh akala ko eh wala nang interesting na bagay na mangyayari sa buhay ko sa isang lugar na wala akong kilala. Pero nagkamali ako or i’m wrong about being wrong, kayo na lang magdecide kung interesting ‘to. Ito ang dahilan, may nakapagsabi kasi sa akin na may magaganap daw na beauty peygent (yes, peygent. yan ang sabi ng host eh. hahaha!!!) kinagabihan dahil fiesta daw. Thinking that I’m going to see beatiful faces because the program’s name says so, pumunta ako. At 8 in the evening eh nandun na ku. Waiting for the chickas… But when the program started, I’m in for the biggest surprise of my life. Beauty Peygent pala ‘un ng mga ina!!!! Shiyeeeet.. Napashiyeeet talaga ku. Gago ‘yung nagkalat ng balita na ‘yun ah… Pero dahil nandun na ko eh tinuloy ko na rin… para sa inyo. Ika nga, make the best out of everything kaya kung ayaw mong masuka dahil sa mga naggagalawang bilbil na may stretch marks pa, hop to the next blog of your desire. Ito na!!!!!!!!

*SPORTSWEAR

contestant #1: volleyball player with matching labas na brasong nagsa-sag.

contestant #2: archer na ang costume eh pocahontas. (nay, hindi po archer si pocahontas!)

contestant #3: table tennis player pero nag-i-smash.

contestant #4: (ito effortless) sumo wrestler. Whoooh!!!

contestant #5: basketball player pero uniform eh pangvolleyball. (confused si nanay)

*TALENT PORTION

contestant #1: Pole dancing pero imbis na pole, chair. Nakakasuka! Imagine, 54 yrs. old na daw un…

contestant #2: Hula dancing. Labas ang kamot niya sa tyan… (ilan na kaya anak ni lola nanay.)

contestant #3: Interpretative dance. (*yawn)

contestant #4: Dancing. (ito ung sumo wrestler ah. imaginin mu na lang)

contestant #5: kumanta. sinuot ku ung headphone ku..

*VITAL STATISTICS

contestant #1: 36-34-37

contestant #2: 32-30-33

contestant #3: 38-37-38

contestant #4: 42-42-43

contestant #5: 37-36-38

 

      Buti na lang walang swimsuit kundi coma ako ngayon.. Pero come to think of it, ‘yun lang siguro ‘yung time nila para sa sarili nila. Sabi nga nung isa, nadagdagan daw ung self esteem niya dahil sa pagsali niya sa contest na yun.

     Pero wag niyo itanong sa ‘kin kung sino nanalo ah. HIndi ku na tinapos. Hindi ko na kinaya. Hahahaha!!

PaUTANG INA!!! Oktubre 1, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, ok, serious na..., pampalipas oras.
8 comments

Ina 1: ALam mo si ano, may ano pala yun!

Ina 2: Talaga? Si ano? Ano pala siya! Akala ko ano lang, ano niya na pala yung lagi niyang kasama.

Ina 1: Oo nga eh! Nagulat nga ako dun sa ano niya. Anong palagay mo?

Ina 2: Palagay ko, ano siya… 

 

      Yes, favorite past time ng karamihan sa mga ina eh ang paghalukay at mang-intriga ng buhay ng may buhay. Ngunit, subalit, datapwat, pero, alam niyo ba ang isa pang peborit topic nila maliban sa anak sa labas ng kapatid ng kapitbahay ng biyenan ng asawa nila? ‘Yun eh ‘yung mga sarili nilang anak…

       May nakasakay ako sa jeep na mga ganyang ina. Una eh mga buhay ng may buhay ang pinag-uusapan pero nang sabihin nung isa na ‘yung anak niya ay ganitong honor, akala mo eh sinapian na nila Tito, Vic and Joey kung magpayabangan. “Wala yang anak mo sa anak ko.” Gusto mo nang pruweba? Ito…

Ina 1: Ay, alam mo yung anak ko? Muntik nang mapasali sa ganito, nahuli lang siyang makapagpasa ng ganito-ganyan.

Ina 2: Ay! ‘Yung anak ko, muntik nang makasama sa Baguio para sa gantong contest.

Ina 3: Wala yang mga anak niyo sa anak ko. Muntik na siyang maging Top 1.

Ina 1&2: Pano?

Ina 3: Eh nung sinabi yung Top 1 nila, yung katabi niya yung tinuro eh. Di ba? Muntik na.

 

    Nyeeeeh!. Kung makapagyabangan eh no. Pero ganun ata talaga mga nanay eh no?.  Sa sobrang pagmamahal nila sa mga anak nila eh hindi nila mapigilang ipagyabang tayo. Ika nga eh “love your own”. Kaya kayo, love your mothers.

Convicted. . . Setyembre 27, 2008

Posted by thelostme in ok, serious na....
5 comments

Go to fullsize image 

North A, 3rd Sector Conference: Convicted

 

“Ano nga bang ibig sabihin ng convicted? Bakit convicted? Pumatay ba ko? Have I done something extremely bad?”….

 

I know she would be there. I know it’s impossible that we won’t see each other because we will be on the same place. I even bought a new shirt just because I know she would be there. But when I got there, my mind changed. I don’t want her to see me anymore. When she walked right in front of me I didn’t even bother to say “hi” to her. I can’t believe I was contented of just seeing her in the shadows, just on a camera-shot’s-view. I can’t believe I chickened out on a girl. But I know she’s not just a girl. She’s special. I even pretended that I was talking to someone when she saw me. She seems excited to see me. She even screamed my name but I just waved at her and gave her a big smile. Not a good reply to someone who’s you’re dying to see, eh? But that’s the only thing I could think to do….

 

Convicted

 

Convicted….yes, I think I am convicted. I’m guilty. I’m guilty that 50% of my reason of going there is just because of her.

 

I’m convicted because of my sins. I’m guilty that in spite of my sinful soul, He still loves me unconditionally.

I’m convicted…

 

 

 

COmmercial COmedy…. Setyembre 23, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, pampalipas oras.
1 comment so far

 

adik tong commercial na tu…

it always gets me… hahaha…

la kasi akung mapost eh…

kaw, anu gusto mong commercial?… lols…

OOOOOHH, ITIGIL MO! Setyembre 4, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, ok, serious na..., pampalipas oras.
5 comments

         “All work and no play make Thelostme a dull boy”. Been working too much lately? Baka kailangan mo na ng pahinga. Ika nga ng isang pelikula nung araw, “it’s good to be ship-wrecked once in a while”.

Masarap din palang magpahinga kahit minsan lang. ‘Yung mamundok. ‘Yung sumakay sa jeep at i-enjoy ang mga nadadaanan. Damhin ang malamig na hanging humahaplos sa pisngi mo. Hanging iba ang lamig dahil sa papalapit nang kapaskuhan. And even just for once, hindi mo intindihin ang mga susunod na mangyayari. Kung iba naman ang trip mo, mamili ka na lang dito:

 

v Makipag-DOTA sa mga dudes mo. Kung hindi kaya ng budget mo ang mag-out-of-town, makipag-killing-spree na lang sa mga kaibigan at maging godlike gamit sina, Centaur, Clockwerk, Void at Troll.

 

v Umakyat sa BUBONG. Kung gusto mong mapag-isa at magkaroon ng peace of mind, umakyat ka sa bubong ninyo. Seryoso ako ah. Ginagawa ko ‘yan. Minsan, nagdo-drawing ako habang nandoon.

 

v Magsketch ng NUDE MODEL. Kung ito ang napili mo, siguradong matatanggal ang pagod mo. Pero tingin lang,no touch dahil tingin lang ang binayaran mo. Nagsketch na ko ng hubad na babae pero pure imagination lang. Minsan, try ko nga ‘to.

 

Remember, kailangan din nating magpahinga.

“PROBINSYANOS”, OUT FOR A JOYRIDE Agosto 31, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, ok, serious na..., pampalipas oras.
1 comment so far

I woke up late today yet it did not keep me from going out with my cousins. I spent my whole day riding in a vehicle, kasama sila siyempre.

Pagkagising ko pa lang, hinatak na ko ng dalawa kong pinsan (1 lalaki at 1 babae, tawagin na lang natin silang Mr. A at Ms. B) para sumama sa kanila—good thing nakaligo na ko. Si Mr. A kasi, binibigyan si Ms. B ng driving lessons. So, pumunta kami sa isang subdivision para dun magturuan. We had a couple of turns when the engine suddenly stopped. Nope, hindi kami nasiraan, naubusan lang ng gasolina. Ito ang ilan sa mga panahong sasabihin mo sa sarili mo na hindi ka na lang sana sumama at pagsisisihan mong ikaw ang pinakabata sa grupo dahil hindi mo na kailangan pang maging si Madam Auring para malaman ang mga susunod na pangyayari. Yup, tama ako. Ako nga ang bibili ng gasolina. I hate it when that kind of thing happens. Wala kang magagawa. Two against one.

Naglakad ako sa ilalim ng mainit na araw pabalik sa lugar kung saan kami tumigil. Pagkasalin sa gasolina, we had another turn then we head back home dahil sinabi ko nang nagugutom na ko. I hadn’t had breakfast yet kaya nagsasapakan na mga bituka ko. The three of us ate together and shared our food. After eating, Mr. A and Ms. B decided to go to the mall. It was two in the afternoon then. Mr. A invited Ms. B’s brother (Mr. C) who eventually invited another cousin (Mr. D, mas matanda naman ako dito). Nabalitaan ng mga tita namin na aalis kami kaya pinilit pinakiusapan kaming ipapalit yung mga yung mga empty participating products nila for GOBINGO cards. So, off we went.

Ito ang ayos namin sa kotse:

Mr. A- driver, Mr. C- sa passenger seat, Ms. B, Mr. D at Ako- sa likod(left to right)

Sa daan:

Ako:  Saan tayo unang pupunta? Sa mall o sa palitan ng GOBINGO?

Ms. B: Sa GOBINGO muna. Saan ba yun?

Ako: Sa tapat ng Fairview market.

Mr. C: Lagpas ba ng NCBA yun?

Ako: Oo.

Mr. A: Anglayo pala nun. Baka maubusan tayo ng gasolina.

Ako: Uy! Dapat lumiko ka na pala dun! Lagpas na tayo!

Ms. B: Hindi! Dun pa!

Mr. A: Saan ba talaga?

Ako: Hindi! Hindi! Mali!

Ms. B: Ano ka ba? May likuan pa dito. Dyan, dyan! Iliko mo dyan! Sige, wag kang mahiya. Mukha tayong mga pakawala ah.

Mr. C: Mukha tayong mga promdi. Oh, Mr. D, bakit hindi ka nagsasalita dyan? Nagdadasal na ata ‘to eh. Ha-ha-ha. Prayer warrior?

Ako: Mr. C, sara mo naman yang bintana mo, umaabot dito yung ulan eh!

Mr. C: Magreklamo ka kung laway ko yan!(pero sinara naman)

Ako: Nga pala, magyu-u-turn ka kasi sa left side yung palitan. Parang hindi na abot yang gas. Yun na! Yun, yun, yun, yun!

Mr. A: Nakita ko naman eh!

Ako: sori lang…

 

After that, we went to the mall and had a good day together. I’m happy that my cousins are treating me like this already. Dati kasi, hindi nila ko sinasama. Mas matatanda kasi sila sakin. Hahah! Buti na lang malaki na ko.

“Hmmm… I want to be….” Agosto 17, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, pampalipas oras.
3 comments

       Walang magawa… Walang magawa… Eh di magsulat!

       Naisip ku ‘tong mga ‘to dahil wala akong magawa. With a little help from daydreaming and watching too much t.v. Ang mga sumusunod na “propesyon” ay mga tipo kong maging:

Go to fullsize image 1* Zombie Hunter:

     Salamat sa “Dawn of the Dead”. Gusto kong maging zombie hunter. Is’nt it cool to be in a place just like that. Imagine the thrill of zombies running after you, the fear of being bitten by this freaks and the endless running for your life. Hahahahah! Maiihi ka siguro sa takot kung nandun ka.

      I remember this teenager when i was still a kid. May sinabi siyang kagaguhan tungkol sa mga zombies. Tinatakot niya kami nun eh. Tapos sabi niya, kapag may naka-encounter kang zombie, ang pagpatay daw dun eh dinikdik sa siling berde– bata pa ko nun. Kaya parang hindi ku pa alam ‘yung sili na yun. Hahaha… Naniwala talaga ku… Ungas…

Go to fullsize image   2* Super Agent:

       How cool is that!… The gadgets, the missions and the girls. Tingnan mo yung mga girls ni James Bond. Ang sesexy. Pero di lang yan, eto pa…-wow! Richard?

Go to fullsize image 3* Wizard:

      Who wouldn’t want to be Harry Potter? Or at least a fan of him? Whoooh! Fool.. hahaha. Who wouldn’t want to learn super cool spells? Attain magical objects? And be a hero? It’s certainly not me. But there’s a consequence here. You will be bugged by evil wizards and witches, not to mention facing Voldemort in the end. But he killed Harry’s parents, didn’t he? For Harry, it’s worth a shot.

Go to fullsize image 4* Archeologist:

       Gusto kong maka-recover ng mga labi ng mga mummies, dinosaurs or ancient cities. Malapit sa reality right? But I don’t know a school that offers this kind of course. Kaw, May alam ka? Pero I’m sure, mahal ‘yun. 

Go to fullsize image 5* Astronaut:

      Gusto kong magligalig sa outer space. Gusto kong malaman kung ano ang feeling ng lumulutang dahil walang gravity, magfood-fight at uminom ng tubig habang lumulutang ito. Cool! Gusto kong malaman kung paano ang surroundings. I’m sure, tahimik dun. Watchutingk? Hahaha!… Aning. Pero gusto ku nga. And I want to be the first man to set foot on Jupiter. Pwede kaya? Pero paano ako maka-qualify bilang astronaut? NASA lang ata ang way ko. Pero, malabo pa rin.

        It’s not obvious that i watch too much movies. Ikaw, anu ang crazy “I want to be” mo?

Push Button To Eject The Corrupt President Hulyo 28, 2008

Posted by thelostme in Uncategorized.
5 comments

Go to fullsize image

      Wooohoooo!! I’m back!… again…. hahah… Did somebody miss me?… 🙂 Wooohohohoy…

      Kayo ba’y nagtataka kung bakit kaytagal kong nawala? Kung bakit parang ako’y namundok? Kung bakit ako’y parang naging techno-outcast? Hindi ko rin alam eh. heheheh… Sabihin na lang nating nawala na naman ako. Pero nandito na ko ulit. Ang  “naliligawnabata” ay nagbalik na.

      Nag-SONA na naman si Gloring. Nagpamudmod na naman siya ng mga pangako at mga kasinungalingan. May drama pa. Dati, di ba yung drama niya, yung mga batang taga-Payatas? Yung nagpaanod daw ng mga bangkang papel sa Ilog Pasig. Parang Imposible ‘yun. Kapag inanod ‘yun, matutunaw ng tubig yung papel, di ba? Ngayon, pinuno naman ata yun ng isang tribu kung saan mang lupalop ng Miliminas…

     Hindi na ko maniniwala sa mga kasinungalingan niya. Kayo?

I’m Back from the Dead! Abril 22, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL.
12 comments

     Wahhhhooooohhh!… Buhay na naman ako!… Pero that doesn’t mean na wala na akong anu ah. (yung title ng previous post ko ^_^ LOLS!) Hahahah…

     Anyway, it’s been almost a month. Inamag na ‘tong bahay ko. Ewan ko ba. Parang bigla akong nawalan ng gana mag-blog. Ngayon nga, medyo tinatamad pa rin. Haaay…

    4 days after a very bad birthday, what do I want to do today? Haaaaah! Boring talaga.

    Walang kwentang araw para sa isang walang kwentang tao. Hahah!

    Enough with the senti-mode! Shit!

    See you again… 😀