jump to navigation

Binibining Rubik’s… Marso 14, 2008

Posted by thelostme in kwEntOng tUkmoL, ok, serious na....
trackback

 

    Mataman kitang pinagmamasdan ng hapong iyon. Napawi mo ang pagka-inip ko sa paghihintay ng fx. Naka-uniporme ka pa at may kausap sa cell phone mo. Bahagyang nahaharangan ng buhok mo ang iyong mukha. May braces ka pa (ata?). Hindi kita matiis na hindi tingnan sa dahilang pinapasakit mo ang ulo mo sa pagbuo ng isang bagay na sikat na sikat ngayon. . . . ang rubik’s cube.

    Kapag hindi mo mabuo ay magpapahinga ka ng ilang sandali at maya-maya’y babalikan ang “unfinished business” mo (wow! Si Pacquiao?). Halos isang oras tayo – I mean, ikaw- sa routine na iyon dahil nga wala pang fx na dumadating. Pinag-aaralan ko ang pattern na ginagamit mo. Iba kaysa alam ko. Hinayaan lang kita. 

   

    Sa wakas! May dumating nang fx ngunit colorum pa ata(lagot ka manong!). Subalit hindi tayo nakaalis kaagad dahil kulang pa ang mga pasahero. Hanggang sa loob ng fx ay binubuhol mo ang utak mo. Sa passenger seat ka naupo at ako nama’y sa likuran mo. Ilang sandali pa’y hindi na ako nakatiis, kinalabit kita at inabot ang tulong ko.

     “Miss, ahmmm… erhhh…ahmmm… ganito kasi ‘yan….”

   Umurong ako paharap, papunta sa iyo at yumuko upang ituro ang pattern na alam ko. Sa pagitan sana ng ulo mo ko ipu-pwesto ang mga braso ko (’yun bang parang nakayakap na ko sa ‘yo para mas romantic. Heheheh… 🙂 ) ngunit nagbago ang isip ko.

    “Down, left, up, left, down, left, left.”

    ‘Wag mo sanang isipin na napakahambog ko at nagyayabang. Nararamdaman kong magkikita pa tayo ulit. At kung sakaling naliwanagan ka at nakatulong ako, natutuwa ako. Kung muli pa tayong magkita, iyong pattern mo naman ang ituro mo 🙂 . Ngunit kung mas lalo kang naguluhan dahil sa mga pinagsasabi ko, kalimutan mo na lang ang pangyayaring iyon at magpatuloy sa buhay mo (naks! Pang-telenobela!). At kung mababasa mo ito, ibigay mo naman ang number mo. Wahahahah!

    Hanggang sa muli, Binibining Rubik’s… 😀

Advertisements

Mga Puna»

1. wei vines - Marso 15, 2008

naks…parang lumalim ng lumalim yung logtaga mo ah! hehehe 😀

Hindi siya nagpasalamat?

+>cnapian ako ni balagtas…hahahah…
hindi nga…

2. lilmiz - Marso 15, 2008

ahehe wow naman.. kapal mo lolz joke.. buti inde nayabangan sayo? kung ako yun, binato ko na sayo ang rubiks cube wahaha.. sana nga magkita kayong muli, gudlak 😉

+>wag mo namang ibato… hahah… ipukpok mo lang… lolz…

3. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Marso 16, 2008

“Down, left, up, left, down, left, left.”

PARANG CHEAT TO SA CONTRA NA VIDEOGAME HA..LOLS

+>ganun b? cge, halungkatin ko ‘yung family comp namen tapos subukan ko…lolz… hahahah…

4. Geisha - Marso 16, 2008

hahahha magaling!
maganda ang input mo ngayon.. 😀
gawa tayo ng online newsletter.. pwede kang maging literary editor! 😉

+>ngaun lng?…lolz… huh?… paliwanag nga…. 😀

5. otep - Marso 16, 2008

napadaan lang

+>cge… gusto mo merienda?… lolz…

6. linglingbells - Marso 17, 2008

naks! dumada-moves!!!

+>hahaha… kelangan eh, holy week na… lolz…

7. foobarph - Marso 18, 2008

anak ng tinapa! parang parehong genre ang post natin ah!

http://foobarph.wordpress.com/2008/03/08/the-keyword/

hehe, uuuyy… umiibig… ^_^

PLUG: hi guys! marami na naman pong mga bagong postings ang TOP! medyo late ang amin release lately pero i think kahit papaano nakabawi naman kami. nga pala, we need graphic artist and beta reader for TOP. kung may kakilala kayo, feel free to drop by at http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/ – thanks!

+>ganun b? ok k pla!… 😀
oi, may bayad ang pgpplug dito… lolz…

8. lilmiz - Marso 19, 2008

iho, may tag ako sayo 😉

+>iho talaga?…hehehe… ok… teka, asan?

9. hss - Marso 19, 2008

lakas naman ng loob mo…

+>syempre naman… 😀 hahaha…

10. chalkdust - Marso 31, 2008

nako. rubik’s fever.
minsan naiisip ko ginagago tayo ni Erno Rubik dahil sa imbensyon niyang iyan. wla akong kainte-interes dyan.
complete stranger pala si binibining rubik’s. agree ako kay hss, ang lakas nga ng loob mo! at napakamatulungin. Maganda yan.

+>sinabe mo pa… 😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: